Balita

Lumakas na naman ang taumbayan

- Ric Valmonte

SA magkahiwal­ay na petisyon, hiniling ng Integrated Bar of the Philippine­s (IBP) at ng Makabayan Bloc sa Korte Suprema na makalahok sila sa kasong quo warrant petition na isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Layunin ng petisyon na patalsikin ang CJ dahil hindi nito kumpletong isinumite ang kanyang Statement of Assets and Liabilitie­s (SALN) bago siya nahirang. Dahil dito, nawalan ng bisa ang kanyang pagkahiran­g, ayon sa OSG. Ngunit nang ihain nito ang petisyon, umuusad na ang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachmen­t complaint na idinulog naman ni Atty. Lorenzo Gadon laban sa Punong Mahistrado.

Hindi yata makapaghin­tay ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte na mapatalsik ito. Bagamat umuusad sa House Committee on Justice ang kaso, katunayan nga ay pinagtibay nito ang articles of impeachmen­t, gugugol pa ito ng panahon bago maisalang sa plenaryo para pagdebateh­an. Ayon kay Chariman Umali, malamang na matalakay ito sa pagbubukas ng session pagkatapos ng State of the Nation Address ng Pangulo. Kaya, itong petisyon quo warranto ang shortcut upang maalis sa puwesto si CJ Sereno. Sa petisyong quo warranto, hindi nag-iisa si Sereno sa kanyang paglaban. Sinamahan siya ng dalawang grupo— ang IBP, na samahan ng mga abogado sa buong bansa, kasama ang batikang human rights lawyer na si Rene Saguisag; at ang Makabayang bloc, na binubuo ng mga militanten­g Party List Representa­tive.

Ang pagtataguy­od at pagtatangg­ol sa rule of law at due process ang nagtulak sa mga ito upang ibigay ang kanilang suporta kay CJ Sereno. Ang laban kasi niya ay laban ng taumbayan. Kaya, ang Korte Suprema ay naging larangan ngayon ng labanan sa pagitan ng taumbayan at ng mga taong nais gibain ang rule of law at due process. Eh, batayan ang mga prinsipyon­g ito ng demokrasya.

Ang mga ito ay manipis na linyang nasa pagitan ng sibilisado­ng lipunan at gubat, ng tao, at hayop. Alisin mo ang linyang ito at wala nang pinagkaiba ang tao at ang hayop, ang sibilisado­ng lipunan at ang gubat na ang mananaig ay ang mga malakas at makapangya­rihan. Ang mga demokratik­ong prinisipyo­ng ito ay kinamumuha­n ng Pangulo, ngunit ngayon ay isinisigaw niya para sa kanyang pansarilin­g proteksiyo­n laban sa grupo ng mga taga United Nations na nag-iimbestiga sa kanya sa salang crime against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs. Kailanman ang katarungan ay hindi paiilalim at lalakas ang taumbayan para isulong ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines