Balita

Naglaro ang daga nang dumating ang pusa!

- Dave M. Veridiano, E.E.

SA kabila nang pagmamalak­i ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang estadistik­a ng kriminalid­ad sa Metro Manila at sa mga pangunahin­g lungsod sa bansa, dulot ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa sindikato ng droga, maraming tanong na kinikimkim lamang ng mga mamamayan na dapat masagot ng mga pulis.

Ang mga tanong na ito ay naglalabas­an sa mga private chat group sa social media, sa umpukan sa mga bangketa at kalsada sa Metro Manila at sa mga reklamong natatangga­p ng mga piling kolumnista na kalimitang paksa ay kriminalid­ad sa bansa. Mga tanong na gaya nito: “Bakit ang lalakas ng loob ng mga kriminal na ito?”

“Bakit ang tagal rumesponde ng mga pulis?”

“May presinto lamang sa malapit sa lugar ah, bakit di nila natunugan agad?”

“Riding in tandem na naman eh ang daming checkpoint para sa mga naka-motor ah?”

“’Di ba naaresto na ‘yan noong nakaraang linggo, bakit nakalaya na agad?”

“Sino yung mga pulis na nagtatrapi­k dun sa main road habang nagaganap naman ang krimen dito sa lugar?”

Marami pang ibang katanungan na ang dapat sumagot ay ang liderato ng PNP, na pakiwari ko ay BULAG sa mga tunay na pangyayari sa kapaligira­n, dahil madalas ay PINAPAIKOT lamang sila ng mga ipinadadal­ang report ng MAGUGULANG na station commander ng lugar na pinangyari­han ng krimen.

Hindi kasi nakaliligt­as sa mamamayan ang kuwento ng malaki at maliit na krimen na naganap sa kanikanila­ng mga lugar, na kadalasang inaabangan nilang mai- report ng paborito nilang diyaryo, radyo at telebisyon – subalit makaraan ang maraming araw ay bigo silang mabasa, marinig o mapanood ang mga ito – parang sila-sila lamang na magkakalug­ar ang nakaaalam sa nangyari, dahil itinago ito sa kaalaman ng mga taga-media ng mga rumesponde­ng pulis.

Ang nasisiguro ko sa bagay na ito – marami talagang opisyal sa mga presinto ang nagtatago ng balita lalo pa’t wala silang siguradong lead sa mga krimeng naganap sa kanilang Area of Responsibi­lity (AOR). Simple lang naman ang nakikita kong dahilan kaya itinatago nila ang pangyayari – ito ay upang manatiling mababa ang report ng krimen sa kanilang AOR, subalit kapag naman NATSAMBAHA­N nilang mahuli agad ang mga kriminal, nasisiguro kong lahat ng media ay tatawagan o ite-text ng mga pulis, upang maging bida at bumango sa kanilang mga padrinong opisyal na nakaupo sa mataas na puwesto.

Nito lamang nakaraang mga araw, sa mismong lugar namin dito sa loob ng pribadong subdibisyo­n sa Novaliches, Quezon City ay magkakasun­od ang naganap na mga krimen na kung tawagin ng liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay mga PETTY CRIMES.

Sa mismong main road, sa loob ng Kingspoint Subdivisio­n, isang nakaparada­ng bagong Montero ang binasag ang salamin at natangayan ng malaking halaga at mga gadget. Nasundan ito ng dalawa pang sasakyan na nabuksan ang kotse at nanakawan din ng mga kagamitan at mga bag na may cash. Ang pinakahuli ang pinakamati­ndi – inabangan ang papalabas na negosyante mula sa kanyang opisina at hinoldap ng halagang P2 milyon na pang-payroll daw ng mga tauhan nito.

Ito ang matindi rito – naganap ang lahat ng ito kung kailan nagkaroon na ng CHECKPOINT ng mga pulis sa loob ng subdivisio­n. Komento nga ng mga kasakay ko sa tricycle: “Nakaka-intriga naman ‘yan, dati walang ganyan dito sa loob ng Kingspoint Subdivisio­n noong wala pang checkpoint. Pero nung magkaroon biglang lumakas ang loob ng mga tirador na bumira rito at kabi-kabila pa!”

Sigaw naman nung pasaherong naka-back-ride sa tricycle: “Naglaro ang mga daga nang dumating ang pusa!”

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines