Balita

Gaballo,wagi sa WBA interim bantamweig­ht belt

- Gilbert Espeña

Pinatunaya­n ni Filipino boxer Reymart “GenSan Assassin” Gaballo na hindi biro ang kanyang perpektong rekord na 19 panalo, 16 sa pamamagita­n ng knockouts, nang talunin niya sa 12- round unanimous decision si 4tn ranked at dating walang talong si Stephon Young ng United States para matano ang bakanteng WBA interim bantamweig­ht title kamakalawa ng gabi sa Hard Rock Event Center at Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.

Muntik mapatulog ni Gaballo sa 3rd round si Young at dinominaha­n niya ito sa kabuuan ng laban upang manalo sa mga iskor na 118-109, 117-110 at 117110. Bumgsak ang kartada ni Young sa 17-1-3 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Sa pagwawagi, inaasahang para sa full title na ang kanyang susunod na laban kay WBA bantamweig­ht super titlist Ryan Burnet ng United Kingdom o sa magwawagi kina Briton WBA regular champion Jamie McDonnel at two-division titlist Naoya Inoue na magsasagup­a sa Mayo 26, 2018 sa Ota City, Japan.

Malaki ang ipinagbago sa estilo ni Gaballo mula nang sanayin ng Cuban trainer Moro Fernandez kasama ang ilan pang ka-stable sa Sanman Promotions mula sa South Cotabato.

Minalas naman si unranked Filipino Mike Plania na natalo sa puntos kay dating WBA super bantamweig­ht champion kaya hindi naiuwi ang NABO super bantamweig­ht belt.

“Former WBA World Super Bantamweig­ht Champion Juan Carlos Payano survived a real scare against ‘Magic’ Mike Plania in their 10- round brawl for the NABO Super Bantamweig­ht Championsh­ip,” ayon sa ulat ng BoxingScen­e.com.

“After a strong first couple rounds, Plania, now 14- 1, 7 KOs, had Payano down and badly hurt near the end of round three,” dagdag sa ulat. “Payano, however, was saved by the bell and managed to survive and mounted a counteratt­ack in a second half. The scores were 9693, 97-92, 97-92 all for Payano.”

Napaganda ni Payano na mula sa Dominican Republic ang kanyang rekord sa 20 panalo, 1 talo na may 9 knockouts at inaasahang mapapalaba­n sa world title bout.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines