Balita

14-anyos todas sa shootout

- Ni ANTHONY GIRON

Patay sa shootout ang isang menor de edad nang makaengkuw­entro ang mga pulis na umaresto sa kanya at sa kanyang pinsan sa paglabag sa batas-trapiko habang binabaybay ang Jose Abad Santos Avenue sakay sa motorsiklo, kahapon ng madaling araw.

Isang pulis ang iniulat na sugatan sa engkuwentr­o.

Base sa report, namatay ang suspek na si Sean Christian Cotacte Martinez, 14, Grade VIII student, dahil sa tinamong mga bala sa katawan.

Narekober mula kay Martinez ay ang M1911AI .45 cal. pistol, holster at isang stainless holster na may magazine at ang kanyang pula at itim na Honda XRM motorcycle na walang plaka.

Sugatan naman si PO1 Leo Taguinod Tallud, police community operative.

Tinamaan si Tallud ng bala na nagmula sa baril ni Martinez. Hindi naman ito nag-atubili na paputukan ang suspek.

Sumuko naman ang pinsan ni Martinez, 15, Grade IX student, kay PO1 Abdul Samad Salazar Daud, ang nag-iisang kasama ni Tallud.

Ayon kay Chief Inspector Fermel V. de la Cruz, Dasmariñas police investigat­ion chief, nagpapatru­lya sina Tallud at Daud nang maispatan ang magpinsang Martinezes na sakay sa motorsiklo­ng walang plaka at patay ang headlight nito.

Pinahinto ng mga pulis ang magpinsan dahil sa paglabag.

Nang tumigil ang motorsiklo, bumaba umano si Sean Christian at binaril si Tallud.

Sinabi ni Dela Cruz na hinila ni Daud ang pinsan ni Sean Christian at niyakap nito sa kasagsagan ng barilan.

Sinabi ng investigat­ion chief na idiniretso sa presinto ang pinsan ni Sean Christian.

Sa isang panayam, sinabi ni Dela Cruz na bago ang engkuwentr­o, pinakiusap­an si Sean Christian ng kanyang pinsan na sumunod sa mga pulis at huwag manlaban.

Ayon kay Dela Cruz, patuloy ang imbestigas­yon sa insidente at ang dalawang pulis ay hinihingan na ng pahayag. Inaalam na rin nila kung sino ang nagmamay-ari ng baril na ginamit ni Martinez sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines