Balita

PNR train nadiskaril sa Paco

- Mary Ann Santiago at Hannah L. Torregoza

Isang tren ng Philippine National Railways ( PNR), na patungong south, ang nadiskaril makalipas ang ilang minuto nang lisanin nito ang Paco Station sa Maynila kamakalawa.

Walang iniulat na nasugatan sa insidente na naganap bandang 2:00 ng hapon.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Traffic Bureau, bago ang insidente ay nagbaba at nagsakay ng pasahero ang nadiskaril na tren sa Paco Station, na matatagpua­n sa Pedro Gil Street, kanto ng Quirino Avenue, sa Paco.

Nang maisakay ang lahat ng pasahero ay muli nang bumiyahe pa-soutbound ang tren, ngunit makalipas ang ilang minuto ay nadiskaril na ito.

Samantala, hinikayat ni Senador Grace Poe ang Department of Transporta­tion (DOTr) na bigyang-pansin ang iba’t ibang isyu ng railway system ng bansa.

Ito ay kasunod ng pagkadiska­ril ng tren ng Philippine National Railway ( PNR), ilang minuto matapos nitong lisanin ang Paco Station.

“We have had incidents of derailment of PNR trains every year, and it’s simply unacceptab­le,” sabi ni Poe sa isang pahayag.

“Whether it’s the MRT, LRT or the PNR, we don’t want to see passengers getting offloaded and made to walk along the rails,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Poe na dapat siyasatin ng DOTr ang insidente at mahigpit na ipatupad ang inspeksiyo­n at maintenanc­e ng mga tren ng PNR, dahil karamihan sa mga ito ay luma na.

“Let’s have a public transporta­tion system that will bring the people to their destinatio­n and back to their homes safe and unscathed,” ani Poe.

“The DOTr has been allocated a budget for this in the 2018 national budget,” diin niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines