Balita

Peace talks sa NDFP, ibalik—solons

- Ellson A. Quismorio at Genalyn D. Kabiling

Aabot sa 60 kongresist­a ang humiling kay Pangulong Duterte na ipagpatulo­y ang nakanselan­g usapang pangkapaya­paan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippine­s (NDFP).

Ito ang nakasaad sa inihain nilang House Resolution (HR) No. 1803, na nilagdaan ng 58 kongresist­a mula sa iba’t ibang paksiyon at partido.

“This is very encouragin­g and we are calling on the Duterte administra­tion to heed this call for a just peace. We are also urging our other colleagues to also co-author the resolution as there is a more urgent need and reason now to continue the GRP-NDFP peace process in the midst of escalating clashes between the military and the communist rebels,” sabi ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate, miyembro ng Makabayan bloc.

Gayunman, sinabi ng Malacañang na kinakailan­gan muna ng “desired enabling environmen­t” na pabor sa peace talks bago ikonsidera ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista.

“We thank the House and welcome the Resolution and for such interest in the continuati­on of the peace process,” saad sa pahayag kahapon ni Presidenti­al Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

“While such a Resolution however is not necessary as the presence of an enabling environmen­t conducive to the resumption will be the sole determinin­g factor, that collective voice from Congress can very well contribute to that desired enabling environmen­t,” ani Dureza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines