Balita

269 na baril, 174 IEDs nasamsam sa NPA

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Inihayag kahapon ng militar na kabuuang 269 high-powered at lowpowered firearms ang nakumpiska o isinuko ng CPP-NPA terrorists (CNT), habang 174 improvised explosive devices (IED) ang nakumpiska bunga ng pinaigting na operasyon ng militar simula Enero 1 hanggang Marso 15 , 2018.

Sinabi ng Armed Forces of the Philippine­s-Public Affairs Office (AFPPAO), na sa Eastern Mindanao pa lamang kabuuang 174 baril at 140 IEDs ang nakumpiska mula sa CNTs at kanilang mga tagasuport­a sa parehong petsa.

Kamakailan, nasamsam ng 26th Infantry Battalion ang isang 7.62mm rifle at isang AK47 rifle mula sa isang namatay na miyembro ng CNT sa engkuwentr­o sa probinsiya ng Kalinga noong Marso 12.

Anim na PVC pipe gun, apat na shotgun, apat na pistola, IEDs, granda, at iba pang war material ang isinuko ng apat na dating rebelde at limang kasapi ng Militia ng Bayan sa 29th Infantry Battalion sa Butuan City, Agusan del Norte noon Marso 12.

Nasamsam rin ng pinagsanib na tropa ng AFP-PNP ang apat na M16 rifle, at dalawang M14 rifle mula sa anim na nahuling miyembro ng CNT sa Manjuyod, Negros Oriental noong Marso 3.

Sa Malaybalay City, Bukidnon, dalawang high-powered firearms rin ang isinuko noong Marso 2.

Tumanggap ang surrendere­es ng tulong pinansiyal at ipinatala sa Enhanced Comprehens­ive Local Integratio­n Program (E-CLIP) para sa livelihood at iba pang assistance. Binayaran din ang mga dating rebelde para sa mga armas na kanilang isinuko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines