Balita

Big cities nagdilim sa Earth Hour campaign

-

SYDNEY (AFP) – Kabilang ang Sydney Opera House, Eiffel Tower at Red Square ng Moscow sa world landmarks na nagpatay ng ilaw nitong Sabado, bilang pakikiisa sa pandaigdig­ang kampanya na itaas ang kamalayan sa mga epekto ng climate change.

Ang Earth Hour, sinimulan sa Australia noong 2007, ay inoobserba na ngayon ng milyun-milyong tagasuport­a sa 187 bansa, na nagpapatay ng kanilang mga ilaw pagsapit ng 8:30 ng gabi para sa inilarawan ng organisers na “largest grassroots movement for climate change” sa mundo.

“It aims to raise awareness about the importance of protecting the environmen­t and wildlife,” sinabi ni Earth Hour organiser WWF Australia chief Dermot O’Gorman sa AFP.

Sa Paris, nagdilim ang Eiffel Tower sa paghikayat ni President Emmanuel Macron sa mamamayan na makiisa at “show you are willing to join the fight for nature”.

Ipinakita sa mga imahe mula sa Asia ang pagdilim ng mga gusali sa Kuala Lumpur kabilang ang Petronas Towers, gayundin sa sikat na harbour skylines ng Hong Kong at Singapore, para markahan ang okasyon.

Ang iba pang global landmarks na nakiisa sa Earth Hour ay ang Empire State Building sa New York.

Sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na ang okasyon “comes at a time of huge pressure on people and planet alike”. Earth hour is an opportunit­y to show our resolve to change,” aniya.

Simbolikon­g hakbang man ang lights-off event, nagbunsod naman ang Earth Hour ng matatagump­ay na kampanya sa nakalipas na dekada para ipagbawal ang plastic sa Galapagos Islands at magtanim ng 17 milyong punongkaho­y sa Kazakhstan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines