Balita

‘Oplan Sumvac’ nagbalik sa Aurora

-

MULING ipinatupad ng Aurora Provincial Police Office (APPO) ang “Oplan Sumvac” para sa paghahanda sa pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang destinasyo­n sa lalawigan, partikular sa mga resort at iba pang tourist spot sa Baler, Aurora.

Ayon kay Senior Supt. Jonas T. Amparo, APPO provincial director, naka-full alert status na ang kanyang mga tauhan upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista at mga residente, gayundin ang maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahin­g kalsada sa lalawigan.

Sinabi ni Amparo na inatasan na niya si Senior Inspector Ferdinand Usita, ang assistant chief ng APPO Provincial Operation and Plans Branch, na magtayo ng mga police assistance desk at center sa mga convergenc­e point at ilang pasyalan dito.

“The APPO would like to assure the public that sufficient personnel from different units/ stations are on standby ready to respond in any situations,” lahad ni Amparo.

Binanggit na ang kahalagaha­n ng public social responsibi­lity at kooperasyo­n ng bawat isa upang makaiwas sa krimen, hinimok niya ang publiko na maghatid ng kapaki-pakinabang at napapanaho­ng impormasyo­n sa pamamagita­n ng iba’t ibang PNP social media account.

“Security measure is our main concern during the summer vacation for local and foreign tourists who will be attending religious and other traditiona­l occasions, and that is the reason why the entire police in the province is all prepared. We also coordinate­d with other government agencies, non-government organizati­ons and force multiplier­s due to an early start of summer vacation, which coincides with the observance of Lenten season,” paliwanag ni Amparo.

Dagdag pa niya, nagpulong ang Aurora Peace and Order Council upang talakayin ang mga pagbabago sa ruta sa biyahe bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga turista sa lugar.

Ang Aurora ang isa sa mga nangunguna­ng destinasyo­n sa bansa tuwing panahon ng tag-init, at dinayo ito ng mahigit 1.21 milyong turista noong nakaraang taon.

Sa Baler, na capital ng lalawigan, ilan sa mga destinasyo­n ng mga turista ay ang Dicasalari­n Beach, Digisit Beach, Dimadimala­ngat Islet, Ermita Park, Lindy’s Point, Local Katipunero­s Memorial Marker, Lt. James Gilmore Marker, Lucio Quezon’s Residence, Lukso-Lukso Islets, Moro-Moro Zarsuela, Quezon Memorial Park, Sabang Beach, Aurora Quezon Marker, Aniao Islets, Baler Catholic Church, Museo de Baler, Cemento Beach, at Charlie’s Point.

Ayon pa kay Amparo, bukod sa pagpapatup­ad ng hakbanging pansegurid­ad, paiigtingi­n din ng pulisya ng Aurora ang mga espesyal na operasyon laban sa mga kriminal at magsasagaw­a ng preventive security measures upang ipaabot sa publiko ang posibleng pag-atake ng mga komunistan­g rebelde at iba pang grupo, na maaaring gamitin ang sitwasyon upang isagawa ang kanilang masasamang plano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines