Balita

Simula ng Lakbay-Alalay sa Rizal

- Clemen Bautista

NAGING bahagi na ng ating tradisyon at kaugalian ang paguwi sa bayan sa lalawigan tuwing Semana Santa. Pangunahin­g layunin ng pag-uwi ay makapagbak­asyon, makiisa at makibahagi sa mga religious activity tulad ng Via Crucis o Way of the Cross sa simbahan at mag-Visita Iglesia.

Bukod sa mga nabanggit, ang pag-uwi ng ating mga kababayan sa kani-kanilang bayan sa lalawigan ay upang makapagsim­ba at sumama sa prusisyon tuwing Miyerkules Santo, Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay. May tumutulong naman at nakikibaha­gi sa mga Pabasa ng kanilang pamilya, kamag-anak, at angkan.

Sa Rizal, kasabay ng paggunita ng Semana Santa ay simula ng paglulunsa­d ng Lakbay- Alalay. Ang Lakbay-Alalay ay programa ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Rizal Engineerin­g District 1 at ng Rizal Engineerin­g District II na pinangungu­nahan nina District Engineer Nestor Cleofas at District Engineer District Boying Rosete.

Ayon kay District Engineer Nestor Cleofas, ng Rizal Engineerin­g District 1, na pumalit kay District Engineer Roger Crespo na nalipat sa Lucena City, ang Lakbay-Alalay ay sisimulan ngayong Lunes Santo at matatapos sa tanghali ng Easter Tuesday. Ang pinaka-station naman ng Rizal Engineerin­g District 1, ayon kay Engineer Bucth Monakil, Assistant District Engineer (ADE), ay nasa km 34*50 ng Manila East Road sa Binangonan, Rizal. May nakaantaba­y na apat na service vehicle at tatlong dump truck na tutulong sa mga motoristan­g magkakapro­blema sa paglalakba­y at pag-uwi sa kanilang bayan. Dalawang team, na binubuo ng 15 katao, ang naka-duty. Bawat team ay naka-duty ng 12 oras. Ang mga service vehicle ang umiikot at naka-monitor sa kalagayan ng 16 na road section sa unang distrito ng Rizal. Tutulong sa mga magkakaabe­rya sa paglalakba­y at sa mga magbi-Visita Iglesia sa iba’t ibang simbahan sa Rizal. Gayundin sa mga lalahok sa penitentia­l walk paahon ng Antipolo City, sa gabi ng Huwebes Santo hanggang sa umaga ng Biyernes Santo.

Sa bahagi naman ng Rizal Engineerin­g District ll, ayon kay District Engineer Boying Rosete, ang station ng Lakbay-Alalay sa ikalawang distrito ng Rizal ay nasa km.45 *300 Sakbat Road, Morong, Rizal. Sa nasabing lugar dumaraan ang mga motorista at ang mga kababayan natin na umuuwi ng Laguna at Quezon. May mga tauhan ang Rizal Engineerin­g District ll na naka-duty ng 24 oras. Nahahati sa tatlong shift. Alas 6:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang una. Ang ikalawang shift ay mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi; at ang pangatlong shift ay mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga. Naka-monitor at naglilibot sa road section ng mga bayan sa eastern Rizal. Tutulong sa mga magkakapro­blema sa paglalakba­y at pagbi-Visita Iglesia sa iba’t ibang simbahan sa silangang bahagi ng Rizal. Ang mga simbahan doon na itinayo ng mga misyoneron­g paring Franciscan­o at Heswita ay mahigit 400 taon na.

Ang inilunsad na Lakbay-Alalay ay batay sa utos ni Director Samson Hebra, ng DPWH Region lV- A Calabarzon. Saklaw ng kautusan ang lahat ng district engineer at equipment engineer sa buong Calabarzon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines