Balita

Tirso Cruz III, bilib kay Alden

- Ni NORA CALDERON

NG AYONG Lunes Santo na ang simula ng three- day Lenten special ng Eat Bulaga. Yearly itong ginagawa ng show, para makapaghat­id ng mga istorya ng pag-ibig, pag-asa at inspirasyo­n sa mga manonood. Mu l ing naimbitaha­n si Tirso Cruz III para sa isang episode, ang Haligi ng Pangarap at first time niyang nakasama si Alden Richards. Humanga siya sa binatang aktor dahil sa mahusay na pagganap nito bilang anak niya.

“Isa akong OFW na iniwanan ko sa mga kamaganak ko ang pagaalaga kay Alden,” kuwento ni Tirso.

“Iyong lagi siyang wala kapag kailangan siya ng anak dahil gusto niyang mabigyan ito ng magandang buhay. Ipakikita namin dito kung paano nagsasakri­pisyo ang isang ama para sa kanyang anak, pero paano kung dumating ang oras na talagang kailangan na siya ng anak at wala siya?

“Ngayon ko lang nakasama si Alden at totoo pala ang sabi nila, isa siyang mahusay na actor. Nag-enjoy akong kasama siya at magkausap kami during breaktime. Nalaman ko ring nakasama pala niya ang mga anak kong sina Bodie at Djanin sa ilang shows nila sa GMA at kahit sa gym ay nagkakasam­a sila dahil pareho kaming nasa South. Mabait siya at magalang.”

Thankful si Alden na nabigyan siya ng pagkakatao­ng makatrabah­o si Tirso at may mga natutunan siya rito.

Ang Haligi n ng Pangarap ay idinirehe ni

Adolf Alix Jr. at k kasunod ng unang episode na My Carinderia Girl nina Ruby R Rodriguez at Kenneth Medrano. Nagpasalam­at si Pip na naimbitaha­n uli siya ng “EB Lenten Special.” Sa ngayon daw ay may bagong teleserye na inaayos para sa kanya ang ABS-CBN pero may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema at guest din siya sa movie ni Jolo Revilla, ang #72, ng Imus Production­s. Ngayong Holy Week ay magpapahin­ga lang silang maganak sa farm nila sa Lipa, Batangas. And since sa April 1 ay birthday niya, kasama ang family ay pupunta sila ng Japan for a short vacation. Pagbalik nila ay pupunta naman sila ng Dubai ng wife na si Lynn at anak na si Djanin para sa isang show roon. Tuloy pa rin sila ng monthly shows nila ng kaibigang si Christophe­r de Leon sa Pagcor Casino sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 ??  ?? Alden Tirso
Alden Tirso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines