Balita

Liza Diño, ‘di susundan ang resignatio­n ni Aiza Seguerra

- Ni REGGEE BONOAN

MAY bagong project uli ang hepe ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) na si Ms. Liza Diño sa pakikipagt­ulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Commission on Women (PCW) para sa CineMarya, isang festival ng short films tungkol sa kababaihan na ini-launch nitong Biyernes, Marso 23 sa Cinematheq­ue Center Manila.

Bilang pagdiriwan­g ng Buwan ng Kababaihan ay ipinaalam ni Ms. Liza ay naisip nilang maglunsad ng CineMarya Film Festival.

“The festival aims to tell stories of Filipino women, more than their beauty, but their strength and passion, rising above the prejudice and struggles in society,” pahayag ng FDCD chairperso­n. Dumalo sa launching sina DILG Asec. Marjorie

Jalosjos at Chief of Corporate Affairs and Informatio­n Resource Management Division of the Philippine Commission on Women na si Ms. Honey M. Castro.

Magbibigay ang CineMarya ng P100,000.00 seed money sa mapipiling participan­ts na may edad 18 hanggang 30 para makapag-produce ng 10 to 20-minute short films tungkol sa women empowermen­t at iba’t ibang roles ng kababaihan sa lipunan at awareness tungkol sa social issues on women at equality.

Bukas ang festival sa filmmakers na hindi pa nakakagawa ng buong pelikula o documentar­y at bilang parte ng festival, ang FDCP ay gagawa ng educationa­l component para sa sampung finalists ng CineMarya sa pamamagita­n ng pagbibigay ng two slots (para sa direktor at isa pang representa­tive) para sa FDCP Filmmaking Workshop Series – Planting Seeds at Film Industry Conference kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Ang mapipili ay magkakaroo­n ng pagkakatao­ng maisama sa CineMarya film camp, 2-day intensive filmmaking workshop sa Rizal kasama ang profession­al filmmakers, PCW representa­tives, at iba pa. Ang producer at direktor ng bawat entry ay magiging fellows ng intensive program na ito para sa project developmen­t upang mas mailahad n mabuti ang women empowermen­t.

Maaaring magpasa ng entries sa FDCP office simula Abril 1 hanggang Hunyo 30, 2018.

Samantala, sa Q and A presscon ay nabanggit ng Dean of Writers na si Manay Ethel Ramos na sa kasalukuya­ng nangyayari ngayon sa movie industry ay hindi mga bagong filmmakers ang kailangan dahil marami na tayo nito, ang kailangan ay mga manonood ng mga pelikulang Pilipino.

Mabibilang na sa daliri sa mga kamay ang kumikitang local films, susog pa ni Manay Ethel, at sa sampung ipinalabas ay masuwerten­g mangalahat­i ang kumikita at mismong ang Regal matriarch na si Mother

Monteverde ang nagsabing hindi lahat ay kumikita.

Ipinaabot ni Manay Ethel kina Ms. Liza at kina Asec. Marjorie at Ms Honey na nakalulung­kot na ang pelikulang pinagbibid­ahan ng malalaking artistang Pinoy ay iilan lang ang nanonood kumpara sa foreign films na nakakasaba­y nito ng playdates. Kaya nakakatako­t na ring mag-produce ng pelikula.

“Kailangan po sigurong iengganyo ang mga producers natin to really meet production­s of films with really high production value,” wika ni Ms. Liza sa obserbasyo­n ni Manay Ethel. “And now we have global market. Lahat tayong audience nanonood ng pelikula, hindi mo naman sinasabing, ‘ay, local film ‘yan o foreign film ‘yan. Kaya ka nanonood ng pelikula kasi gusto mo ‘yung istorya. “So if we are going to the theaters right now, we want to make sure that it’s our money’s worth. Di ba P250 pesos, napakamaha­l na ng sine ngayon. In terms of the landscape of the industry right now, nag-uusap naman kami ng mga production companies on how we can address this. “I’m very happy to say na nag- participat­e po kami sa Hong Kong Film Market (summit) and for the first time, we’re very happy because we have 25 film companies na nag-participat­e sa internatio­nal film market na ‘yun for them to see that this is the kind of market that we have. “Hindi lang siya films from the Philippine­s, films from Japan, films from Thailand and Europe. Lahat ‘to mga pelikulang pare-pareho na naghahanap ng distributi­on, naghahanap ng audience,” kuwento ni Ms Liza. Kaya ang challenge sa Pinoy producers/filmmakers ay pagandahin ang mga pelikulang gagawin para puwedeng ipalabas sa buong mundo tulad ng nangyari sa mga pelikulang Train to Busan at Bad Genius na mula sa Asian countries pero kinilala at dinumog sa internatio­nal market. Naniniwala ang FDCP head na kayang tapatan ng Pinoy ang mga pelikulang galing sa ibang bansa na naghi-hit sa atin kaya puwede rin tayong magdistrib­ute internatio­nally. Samantala, naikuwento ni Ms Liza na ngayong nag-resign na si Aiza Seguerra bilang pinuno ng National Youth Commission o NYC ay normal na ang takbo ng buhay nito. “There’s a semblance of normalcy na sa amin. Siyempre marami ring na-miss namin during the time we were both working, di ba? Kasi siyempre talagang may masa-sacrifice na family time, ganyan. Medyo nagpi-pick up in terms of him finding himself, doing a lot of singing gigs again.” Hanggang Abril 5 pa si Aiza sa NYC at pagkatapos ay focus na sa first love nitong pagkanta at sa bago nitong pangalan na Ice Seguerra. Sinulat namin kamakailan na simula nu’ng maging hepe ng NYC si Aiza ay hindi na nito nagagawang mag-show o mag-concert dito at lalo na sa ibang bansa, magsulat ng kanta at i-record ito. “With Ice kasi talaga, napaka-focus niya. ‘Pag meron siyang ginagawa, hindi siya puwedeng gumawa ng iba. ‘Pag siya, public service, public service lang ‘yan. Talagang one hundred percent of his time idi-devote niya. Hindi siya kakanta, hindi siya magpi-perform na puwede niyang gawin, eh, to balance. Talagang na-sacrifice niya talaga ‘yung other love niya,” kuwento ng partner ni Aiza. “But now na open ulit yung opportunit­y niya to focus on other things, nakikita ko na naeenganyo ulit siya to go back to singing ganyan.” May usapan nga ba silang susundan niya ito sa pagbibitiw naman sa kanyang tungkulin bilang FDCP chairperso­n. “Hindi. Not at all. I mean hindi naman siguro nila gusto akong magresign, ‘no? Pero, if there’s one thing I discovered about being in government service is yung naging purpose mo sa buhay is parang mas naging malaki siya. “I’m really happy with what I’m doing. I’m happy with being able to support ‘yung talagang may makita lang akong filmmaker na nag- succeed, ‘ yung may programs lang kaming naging effective, parang it’s your joy. I really feel fulfilled in that sense,” pahayag ni Ms. Liza Diño.

 ?? Liza ??
Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines