Balita

‘Unexpected­ly Yours’ ipapalabas na sa KBO

-

MAS maraming Pilipino ang makakapano­od ng mga patok na Pinoy movies sa pinakamala­king handog ng ABS- CBN TVplus Kapamilya Box Office (KBO) na available na sa lahat ng mobile networks.

Bawat linggo, limang pelikula sa halagang P30 ang mapapanood ng mga naka-subscribe sa Globe, Smart, Sun, TM, Talk n’ Text at ABSCBNmobi­le.

Ang bagong offer na ito ay available na sa extended weekend ng KBO para sa Semana Santa. Magsisimul­a ito sa Huwebes, Marso 29, at pangunguna­han ng Unexpected­ly Yours.

Tungkol ito sa mag-inang sina Patty ( Sharon Cuneta) at Yanni ( Julia

Barretto) at kung paano papasok ang pag-ibig sa kanilang buhay sa katauhan ng magtiyuhin­g Cocoy ( Robin Padilla) at Jason ( Joshua Garcia). Ang Unexpected­ly Yours ay kumita ng P218 milyon sa buong mundo. Palabas din sa KBO ngayong Holy Week ang iba pang mga pelikulang may kurot sa puso. Panoorin kung paano magsisimul­ang muli ang pamilya Bonifacio nang malamang may sakit ang kanilang padre de pamilya sa Seven Sundays. Bida rito si Ronaldo Valdez bilang si Manuel Bonificio, na nais mapagsama-sama ang kanyang mga anak, na ginampanan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

Sundan naman si Piolo Pascual bilang lalaking kailangang harapin ang pagiging ama sa nawalay na anak sa Northern Lights: A Journey to

Love. Kasama sa cast ang child actor na si Raikko Mateo at si Yen Santos, isa sa leading ladies ng bagong henerasyon. Gumanap na Chinggay si Jodi

Sta. Maria, tatlumpung taong gulang na bababaeng single sa The Achy

Breaky Hearts. Matapos ligawan ng dalawang lalaki na ginampanan nina Ian Veneracion at Richard Yap, matututuha­n niya na ang pagmamahal ay kailangang magsimula sa sarili.

Abangan din ang In My Life na pinagbibid­ahan nina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at Vilma Santos.

Gumanap na gay couple na naniniraha­n sa Amerika sina Mark (Luis) at Noel (John Lloyd) sa In My

Life. Makikitira si Shirley (Vilma), ina ni Mark, sa dalawa habang nasa Amerika at pinag-iisipan kung ano ang gagawin sa kanyang buhay matapos palayasin ng mister. Mahihirapa­n si Shirley sa bagong sitwasyon ng anak ngunit kalaunan ay matututuha­n din niyang tanggapin si Noel bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Para mag-register, mag-load sa kahit anong SIM (Globe, Smart, Sun, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para malamanang inyon box ID; at i-text ang KBO30 <airing date> <TVplus box ID> sa 2366.

 ?? Robin at Joshua ?? Julia at Sharon
Robin at Joshua Julia at Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines