Balita

Iza, no big deal ang ‘di pagkaka-nominate sa Eddys

- Ni JIMI ESCALA

SI Iza Calzado ang nagwaging best actress sa nakaraang PMPC Star Awards for movies sa at tinanghal ding best actress sa Osaka Film Festival noong nakaraang taon para psycho-thriller film na Bliss na idinirehe ni Direk Jerold Tarog.

Pero sa inilabas na 2018 Eddys Awards ay hindi napasama si Iza sa limang nominadong best actress na okey lang daw sa kanya. “Well, okey lang naman sa akin ‘ yun. Kung ano ang kanilang desisyon, eh, dapat lang na aking respetuhin,” sabi ni Iza. Nauunawaan ni Iza na may kanya- kanyang pamantayan ang bawat award- giving body. “When you are given an award, it’s a group of people saying that in their opinion, you deserved this award. If some felt that I don’t deserve to be nominated, then I’ll just take it as..., okey, I respect it, because I cannot expect that everybody will like my work.

“There are parts about my work that I don’t like,” dugtong ng aktres. Matatawag niya ang kanyang sarili na self- critical. “Alam n’yo ‘yun, I’m so self-critical that I am the last person to feel bad if you don’t include me in your roster of best. When we made Bliss, hindi ko ‘yan ginawa na inisip ko agad na pang-best actress ako rito. “Kasi psycho- thriller siya. We made it kasi kakaiba siya. So, parang lahat ng awards and mga recognitio­n na nakuha ko, it’s icing on the cake. Siyempre, grateful ako ‘ pag nano- nominate ako pero ‘pag hindi, kailangan ko rin namang respetuhin,” seryosong lahad pa ni Ms. Iza Calzado.

 ??  ?? Iza
Iza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines