Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-109 labas

INABANGAN

ni Pedring ang pagdating ng bago niyang kakilalang babae na Susie ang pangalan. Masaya at may kapilyahan ang babae kaya’t nagugustuh­ang kausap ni Pedring.

“Ganitong lagi ang oras ng uwi mo, Susie?”

“Kung minsan nga, mas gabi pa rito, e. madalas, pinaglalam­ay kami lalo kung kelangan ng pedido.” “Di ang laki ng kinikita mo?” “Humpt! Ga’no na ba ang kikitain ng mananahi? Sarili ko lang ang kaya kong buhayin. Teka, hinintay mo ba talaga ako? Bakit naman?”

“Ang sarap mo kasing kausapin, Susie.”

“Hamo, pag wala tayong ginagawa pareho…maghapon tayong mag-uusap. Baka sumawa ka sa kadakdakan ko. Saka, may kabastusan po ‘ko ng konti. Konti lang naman.” Hagikgik.

“Ay, baka nga pala gutom ka na, Susie. Inabala kita.”

“Kumain na yata ako. Pag nag-OT, (overtime ang ibig sabihin) kumakain na ‘ko bago umuwi. Pansit lang naman ang paborito kong hapunan. Kung alam ko lang na hinihintay mo ‘ko…naghintay ka ba talaga, iniuwian sana kita ng pansit.”

Medyo mahaba-haba pang kwentuhan bago sila naghiwalay. Pero bago umakyat ng itaas, sukat pang panggigila­n siya. Pinisil nito ang kaniyang mga pisngi. Aaa, sarap namang manggigil ng babaeng ire!

Nahabol niya ng tingin nang umakyat si Susie sa may katarikang hagdan. Umiindayog ang puwit. Gumigiling ang balakang. At dahil may ilaw naman sa tapat ng hagdan, inangkupo! Sayang at makapal ang anino ng ilaw. Pero nakikita pa rin ng kaniyang isip ang gusto niyang makita. Bakit ba walang takip ang pagitan ng mga hita?

Alam siguro ni Susie na nakatingal­a siya. Ni hindi ito lumingon sa lugar niya. Ipinakikit­a kaya talaga ni Susie?

Nang nawala na sa paningin niya si Susie, nagtuloy na siya sa kaniyang kuwarto. Hindi naman siya magugutom dahil siya man ay nagmiryend­a ng medyo matindi.

Sa una yatang pagkakatao­n, hindi niya niri-review ang nagdaang mahapon ng kaniyang paghahanap. Sinungalin­g siya kung hindi niya aamining kahit paano, gumaan ang kalooban niya sa pakikipag-usap kay Susie.

“Patawarin mo ‘ko, Lagring, kung paminsan-minsan ay aalisin ko sa ‘yo ang pag-iisip ko.” Kinakausap na pala niya ang kaniyang sarili. “Saka hindi naman ako tumitigil ng paghahanap ko sa ‘yo.”

Naririnig ni Pedring ang mahinang kaluskos sa itaas. Di ba sabi ni Susie, magkatapat daw sila ng kuwarto?

Ano kaya ang ginagawa ni Susie? Kaninang may kaluskos, sabi ng kaniyang isip, naglalakad si Susie. Ngayong nawala na ang kaluskos. Siguro nagpapalit ng damit. Inalis muna nag bestida. Underwear na lang ang natitira. Ibaba at itaas. At ianlis pa rin nito ang mga iyon. Wala nang natira…w-wala!

Wala nang suot si Susie kundi ang relo at mga hikaw. Pero bakit ayaw pang magbihis ng panibagong damit? Bakit sinisilip-silip ni Susie ang kaharap na salamin ang basal na kagandahan? Hinahayaan bang magpasasa ang kaniyang imahinasyo­n sa ganda ng tanawing iyon?

Hindi na nagpapalit ng damitpamba­hay, iniwan ni Susie ang harap ng salamin. Tinungo ang nakahandan­g higaan. Matutulog ka ba ng ganyan? Hindi lang naman ako ang babaeng natutulog ng walang damit.

Puwede kaya kitang tabihan sa ganyang ayos?

Halika, Pedring…halika!

A, imahinasyp­n lang ni Pedring na gumagalaw ang mga eksena. Aaa, tagal nan hindi nangyayari sa kaniya ang ganoon. Di ba dati, si Lagring lang ang nakagagawa ng ganoon sa kaniya?

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines