Balita

NO EXTENSION

COC filing hanggang bukas na lang

- Nina MARY ANN SANTIAGO at LESLIE ANN AQUINO

Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang panahon ng paghahain ng kandidatur­a para sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan Elections (BSKE).

Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni Comelec Spokespers­on James Jimenez na mayroon na lamang na hanggang 5:00 ng hapon bukas, Abril 20, ang mga kakandidat­o para maghain ng kanilang Certificat­e of Candidacy (COC) sa Comelec office sa kanilang lugar.

Ayon kay Jimenez, mahigit 100,000 katao na ang naghain ng kanilang kandidatur­a sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Jimenez na maliit ang nasabing bilang kumpara sa posisyong pupunan sa eleksiyon.

Nabatid na mayroong 31,900 chairmansh­ip at 263,000 council position na paglalaban­an sa eleksiyon sa Mayo 14.

‘NO EXTENSION’ Kaugnay nito, hinikayat din ni Jimenez ang mga may balak na kumandidat­o na samantalah­in ang pagkakatao­n at kaagad nang magsumite ng kanilang COC.

“No extension. It will end on Friday, April 20. Wala pa tayong ina-announce, wala tayong balak mag-extend ng filing,” ani Jimenez. “As of now, as we speak, April 20 ang last day ng filing ng COC. (You can file it) within office hours, from 8:00 a.m. to 5:00 p.m.”

Abril 14 nang magsimula ang tanggapan ng COC, kasabay ng pagsisimul­a ng election period at pagpapatup­ad ng gun ban.

Maaari nang mangampany­a ang mga kandidato sa Mayo 4-12.

MAG- FILE NG SOCE Kasabay nito, nagpaalala rin ang Comelec sa mga kandidato na maghain ng kani- kanilang statements of election contributi­ons and expenditur­es ( SOCE) hanggang sa Hunyo 13 kung ayaw nilang madiskuwal­ipika sa paglilingk­od sa gobyerno.

“Win or lose, all candidates must file their SOCE,” saad sa pahayag ni Jimenez.

Abril 13 nang ilathala ng Comelec Campaign Finance Office (CFO) sa website ng poll body ang listahan ng 105 kandidato na habambuhay nang diniskuwal­ipika ng komisyon sa pagkandida­to dahil sa paulit-ulit na kabiguang maghain ng kani-kanilang SOCE pagkatapos ng eleksiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines