Balita

Sue, walang kiyeme sa kissing scenes

- Ni REGGEE BONOAN

NAKA- TSIKAHAN namin si Sue

Ramirez pagkatapos ng finale presscon ng Hanggang Saan at tinanong ulit namin kung totoong hindi nagselos ang rumored boyfriend niyang si Joao Constancia sa bed scene at kissing scene nila ni Arjo Atayde.

“Hindi! Gets niya naman (romantic scene). Actually, gusto niyang mag-artista pero as of now hindi pa puwede (hindi puwedeng maghiwa-hiwalay ang Boyband

PH), in the future siguro. “Saka parang hindi naman na niya kailangan (ipaliwanag ni Sue) kasi pinasok niya itong industriya na ito. Cool lang siya, chill lang kami sa isa’t isa,” nakangitin­g saad ng aktres.

Hindi inaamin ni Sue na boyfriend na niya si Joao, “wala po kaming label, basta ‘happy’ lang kami,” lahad ng aktres.

Binalikan namin ng tanong ulit si Sue dahil sa Q and A ay sinabi nila ni Arjo na crush nila ang isa’t isa. Totoo ba?

“Hindi, joke lang ‘yun. Pero hindi malayo kasi napakabuti­ng tao ni Arjo,” katwiran niya.

Sabi namin na para siyang kabayo (may tabing sa mata) dahil ang atensiyon at nakikita lang niya ay si Joao.

“Oo naman. May mga malilikot kasi ang mata kasi (kaya nangangali­wa). Hindi naman ako ganu’n. Kung saan lang ako nakatingin, doon lang ako pupunta,” sabi pa ni Sue.

Hirit namin ay bagay din sila ni Arjo kung wala si Joao, “e, may Sammy (girlfriend ni Arjo), ha, ha, ha may Sammy daw. Bakit hindi niya (Arjo) inamin?”

Pero kung walang Sammy, puwedeng maging sila ni Arjo, “ay hindi rin,” mabilis na sagot ulit ni Sue.

Ang suwerte ni Joao ha dahil napakaloya­l sa kanya ni Sue at maski malapit sa tukso ay talagang lumalayo siya.

Bakit ba hindi maamin ni Sue na sila na ni Joao, “e, wala naman po kasing aaminin. Nakikita n’yo naman na lumalabas kami, basta happy kami.”

Ilang years na ba silang ‘happy’ ni Joao, “wala pa, nagwa-one year palang.”

Nabanggit din ni Sue na sinabi raw ni Joao sa kanya na sana magka-trabaho rin sila pagdating ng araw.

“Gusto niya raw ako makawork someday. Oo naman, open naman ako maka-work maski sino,” saad ng dalaga.

“Ganito kasi sa industriya, dapat open ka. Kung kikimi-kimi ka, mahihirapa­n kang magtrabaho,” dagdag pa niya.

Si Arjo ang unang leading man niya sa showbiz at ang aktor din ang unang screen kiss niya.

“Napakabuti­ng tao ni Arjo, he’s such a gentleman to everybody. Hindi lang sa mga babae kundi sa lahat ng taong kasama niya,” papuri ni Sue sa aktor.

Naka-ilang take ang kissing scene nila ni Arjo sa Hanggang Saan.

“’Yung unang-una, ang dami naming kissing scenes, si Arjo ang naka-una na at nakarami pa. Ibinibigay lang namin ang hinihingi ng script. Usually two or three takes lang po. Hindi kami naiilang sa isa’t isa kaya madali lang kami kunan,” kuwento ni Sue.

Is Arjo a good kisser, “ha, ha, is he a good kisser? There’s still room for improvemen­t, wow, ha, ha, ha, ha. Joke lang po. Kasi ‘ yung kiss onscreen, hindi naman siya passionate or how you really do it in real life,” humahalakh­ak na sagot ng dalaga.

At dahil pumayag na si Sue sa kissing scene at bed scene ay posibleng masundan na ito sa mga susunod niyang project.

“Depende po ‘yan sa script, basta open po akong gawin kung ano ang hinihingi sa akin at kung papayagan ng Star Magic at ng ABS (CBN). Okay po. Hindi naman siguro nila ako bibigyan ng kahit sino (leading man),” katwiran ng aktres.

May nagtanong kung kailangan ba ni Arjo mag-workhop ng tamang paghalik, “hmm, may workshop ba sa kissing scene? Baka pumasok (din) ako diyan, ha, ha, ha.”

Hirit pa niya, “kaya siguro wala kaming ilangan, kasi hindi namin sine-sexualize, hindi namin binabastos ang isa’t isa, nirerespet­o namin ang isa’t isa.”

Hindi nga raw nila napag- uusapan ang intimate scenes nila pagkatapos silang kunan.

“Nagsi-share pa nga kami ng Listerine, eh. Ganu’n kami ka-open sa isa’t isa. Sa industriya­ng ito dapat maging open ka sa mga ka-trabaho mo para mas maayos ang trabaho ninyo. Kasi kung magkakaila­ngan kayo, wala,” pambubukin­g niya.

Sa tanong namin kung si Joao ang may ka-kissing scene, “ay parang hindi okay sa akin!” Ay, bakit ganu’n, parang unfair ka naman Sue, hirit namin.

“Hindi ko pa alam, siguro I’ll just cross the bridge when I get there. Honest lang ako, hindi ko pa alam kung anong mararamdam­an ko. Kasi naman papasok palang siya ng industriya, kissing scene kaagad?,” depensa ni Sue.

Ang pagsusuot ni Sue ng two-piece ay hindi raw pabor si Joao. “Ayaw niya. Sabi niya as much as possible ‘wag na lang kasi nga baka raw maraming babastos. ‘ Yun lang naman ang dahilan niya (Joao),” pag-amin ng aktres.

Samantala, isa rin si Sue sa nagsabing abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Hanggang Saan dahil marami pang pasabog na

mangyayari.

 ??  ??
 ??  ?? Arjo at Sue
Arjo at Sue

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines