Balita

Palasyo sa madre: BI, baka nagkamali

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ng Malacañang na posibleng nagkamali lamang ang Bureau of Immigratio­n (BI) sa pag-aresto sa madreng Australian na si Sister Patricia Fox kamakailan.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos batikusin ang BI sa pagaresto sa 71-anyos na madre dahil sa pagdalo sa “protest rallies, political activities at anti-government demonstrat­ions.”

Inaresto ng mga opisyal ng BI si Fox, missionary ng Sisters of Our Lady of Sion, sa mission house sa Quezon City nitong Lunes ng hapon.

Sinabi ni Roque, sa panayam sa telebisyon, na mayroong batas na hindi dapat nakikialam ang mga banyaga sa politika sa bansa. Gayunman, maaaring may pagkakamal­i sa kaso ng madreng Australian.

“Meron naman pong batas talaga iyan, na ang mga dayuhan hindi dapat naghihimas­ok sa pulitika natin, at kahit sino namang gobyerno talagang ayaw nila na manghimaso­k ang mga dayuhan,” ani Roque kahapon ng umaga.

“Ang pagkakaiba lang po ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox at siguro apologies are in order,” dugtong niya.

“Kasi madali naman siyang pinalabas din ng CID (Commission on Immigratio­n and Deportatio­n). So siguro nagkakamal­i din naman ng CID,” patuloy niya.

Pinalaya si Fox nitong Martes matapos mapatunaya­ng valid ang kanyang missionary visa, na patunay na siya ay properly documented alien. Ang kanyang missionary ay inisyu noong Oktubre 15, 2017 at valid hanggang sa Setyembre 9, 2018.

Ayon sa BI, hindi rin sakop si Fox ng inquest proceeding­s dahil ito ay para lamang sa aliens na inaresto sa aktong lumalabag sa immigratio­n laws. Nakisali umano ang madreng Australian sa protesta ng mga manggagawa sa nakalipas ngunit hindi niya ito ginagawa nang siya ay inaresto.

Gayunman, obligado pa rin si Fox na sumailalim sa preliminar­y investigat­ion at kailangang magsumite ng kanyang counteraff­idavit sa akusasyon na siya ay undesirabl­e alien dahil sa pagsali sa mga protesta.

Matapos palayain, sinabi ni Fox sa mga mamamahaya­g na sumali siya sa prohuman rights rallies para sa karapatan sa lupa ng mga magsasaka. Ngunit iginiit niya na hindi siya sumali sa anumang political rallies ng mga partidong politikal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines