Balita

Buntis, pamangkin kinatay ng seloso

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nalagutan ng hininga ang isang buntis nang pagsasaksa­kin ng kanyang kinakasama dahil umano sa matinding selos, at idinamay pa ang pamangkin sa Barangay Barangka Ilaya, sa Mandaluyon­g City, iniulat kahapon.

Sa ulat, napag- alaman na pinatay sina Ma. Rosula Paunil, 40, at pamangkin nito na si “JSB”, kapwa ng Unit 205 Ridgeway Residences, 70 Dansalan Street, Bgy. Barangka Ilaya noong Abril 16, ngunit kamakalawa lamang nadiskubre ang kani- kanilang bangkay.

Agad ipinag- utos ni Eastern Police District ( EPD) Director Police Chief Supt. Reynaldo Biay sa Mandaluyon­g City Police, na pinamumunu­an ni Police Senior Supt. Moises Villaceran, ang pagtugis sa suspek na si Benjamin Pardenez, Jr., taxi driver, ng Dalia St., Bgy. Magdiwang, Bacoor, Cavite.

Sa ulat na ipinaratin­g kay Biay, isang testigo ang nag-ulat sa pulisya hinggil sa naganap na pagpatay sa magtiyahin, dakong 6:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa testigo, sa ganap na 11: 30 ng gabi noong Lunes, nakatangga­p siya ng tawag mula kay Pardenez at sinabing napatay nito ang mga biktima.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Follow- Up Unit ng Mandaluyon­g City Police, sa pangunguna ni SPO3 Renante Guillergan, sa lugar at napansin na nakakandad­o ang pinto ng bahay.

Sa tulong ng ilang concerned citizen, sinira ng mga pulis ang kandado at pinasok ang bahay hanggang sa natagpuan ang bangkay ng mga biktima na kapwa tadtad ng saksak sa katawan.

“Nakonsensi­ya ang informant na pinatay ng kaibigan niya ‘yung magtiya kaya sinabi sa atin,” ani Villaceran.

Crime of passion ang isa sa mga tinitingna­ng anggulo sa krimen.

Ayon kay Villaceran, sinabi ng impormante na nagselos ang suspek kaya nagawa ang pagpatay.

“Selos ‘ yung sinabi ng informant,” ani Villaceran.

Si Pardinez ay sasampahan ng kasong two counts of murder at unintentio­nal abortion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines