Balita

Manggagawa, may regalong benepisyo sa Mayo 1

- Genalyn D. Kabiling

Inaasahang ilalatag ng gobyerno ang package of benefits para sa mga manggagawa sa pagdiriwan­g ng Labor Day sa Mayo 1, sinabi ng Malacañang kahapon.

“Well, inaasahan naman po natin na kahit papaano, eh may mabibigay na benepisyo, dahil traditiona­l naman po iyan pagdating ng May 1,” sabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa panayam sa telebisyon.

Gayunman, hindi sinabi ni Roque kung kasama ang wage benefits sa regalo ng pamahalaan sa mga manggagawa sa Labor Day ngayong taon.

Hindi pa inilalabas ng Palasyo ang schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa May 1 holiday.

Noong nakaraang taon, ipinagdiwa­ng ng Pangulo ang Labor Day sa Davao City at muling nangako na wawakasan ang end-of-contract scheme o “endo” at labor-only contractin­g. Iginiit din ni Duterte, nakipagpul­ong sa mga grupo ng manggagawa, na ginagarant­iya ng Labor Code ang right to security of tenure.

Aminado ang Pangulo na kailangang maisapinal na ang executive order na naglalayon­g mawakasan ang endo, dahil sa “unrest” sa sektor ng paggawa. Sa “endo” o “555” practice, paulit-ulit na kinukuha ang mga manggagawa sa loob lamang ng limang buwan para makaiwasa ang employer na gawin silang regular at bigyan ng mga benepisyo.

Sa kanyang talumpati sa Palasyo nitong Martes, sinabi ng Pangulo na nakatangga­p siya ng isa pang draft ng EO at kailangan niya ng oras para repasuhin ang dokumento.

“We are trying our best to help the Filipino people,” ani Duterte.

Inasahan ng Malacañang na mailabas ang EO laban sa endo bago o sa mismong Araw ng Paggawa.

Lalagdaan na sana ng Pangulo ang kautusan nitong Lunes ngunit ipinagpali­ban ang seremonya dahil sa hindi pagkakasun­do sa isyu ng contractua­l employment. Ang kautusan ay binalangka­s ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa pagkonsult­a sa mga manggagawa at employers.

Sinabi ni Roque, sa parehong panayam sa telebisyon, na naantala ang paglabas ng EO dahil sa iringan sa Section 2 ng draft.

Nakasaad sa draft provision na ang “endo” ay matagal nang ipinagbawa­l sa bansa ngunit pinahihint­ulutan ang job contractin­g scheme sa ilalim ng Labor Code.

“Pero iyong contractua­lization, iyong kapag sila ay regular employee ng mga service contractor­s ay iyan pala ay hindi naman ipinagbaba­wal ng Labor Code. So, iyon ang hindi nila pinagkasun­duan” dugtong niya.

Sinabi ni Roque na nang repasuhin niya ang Labor Code, kinumpirma niya na ang labor-only contractin­g o “hakot system” ay ipinagbaba­wal ng batas.

Idinagdag niya na iba ang endo sa job contractin­g na pinahihint­ulutan ng batas.

“Ihiwalay natin iyong 555 endo doon sa mga contractua­l na trabaho na nirerecogn­ize nila na regular employees ng mga service contractor­s,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines