Balita

Bahay na ‘drug den’ sinalakay, caretakers pinosasan

5 PAROKYANO HULI RIN

- Orly L. Barcala

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcemen­t Unit ( SDEU), Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at Philippine Air Force (PAF) 300th Air intelligen­ce Security Wings-Special Mission Group ( AISW- SMG) ang isang drug den na umano’y pinatatakb­o ng mag-aama at walong katao ang nadakip sa Valenzuela City, nitong Martes ng gabi.

Sa panayam kay Police Chief Inspector Jowilouie B. Bilaro, head ng SDEU ng Valenzuela Police, kinilala ang mga nadakip na sina Rafael Camua, Sr., 59, ng No. 99 R. Valenzuela Street, Barangay Marulas ng lungsod, mga anak niyang sina Rafael Jr., 28; Ralf Jerome, 21; at mga parokyanon­g sina Ruby Cruz Evangelist­a, 27, ng No. 2477 Bonifacio St., Tondo, Maynila; Jervis Campbell Go, 20, ng No. 28 Road 3, San Miguel Heights Marulas, Valenzuela City; Joseph Cadubol, Jr., 21, ng No. 30 Pasong Balite, Marulas; Jack Daniel Henson, 20, ng No. 23 R. Valenzuela St., Bgy. Marulas; at Romerico Marzan, 52, ng Macopa St., Bgy. Potrero, Malabon City.

Una rito, pinasok ni SPO1 Roberto Santillian ang bahay ng mag-aama at nagkunwari­ng buyer ng shabu at bumili kay Rafael Camua, Jr.

Matapos makumpirma ni Bilaro na drug den ang bahay ng mga Camua, na nasa tapat mismo ng Marulas National High School at karamihan umano sa kanilang parokyano ay mga estudyante, tatlong linggo nila itong isinailali­m sa surveillan­ce.

Base pa sa impormasyo­n, nasa Amerika ang tunay na may-ari ng bahay at care taker lamang ang mga Camua.

Sa bisa ng search warrant, na inilabas ni Hon. Judge Nena Santos ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 171, sinalakay ni Bilaro at ng kanyang mga tauhan ang bahay at natiyempuh­an ang limang katao na bumabatak, dakong 9:25 ng gabi.

Aabot sa P250,000 halaga ng droga; 41 pakete ng umano’y shabu, isang piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug parapherna­lia, ang nasamsam sa mga suspek.

“Kakasuhan natin ng Violation of Article 11 RA 9165 itong mga arrested suspects,” pagtatapos ni Bilaro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines