Balita

R120k cash, cell phone tinangay sa tindera

- Orly L. Barcala

Galit na galit ang isang negosyante nang tangayin ng kanyang helper ang kanyang pera at gadget habang umiihi sa banyo ng isang public market sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Sa salaysay ni Belen Miranda Salvador, 48, ng Marcelo Street, Maysan ng nasabing lungsod kay SPO2 Felix Viernes ng Station Investigat­ion Unit (SIU), nasa loob siya ng Marulas Public Market kasama ang helper na si Leugim Nash Paulino, 19, ng No. 6138 S. Feliciano St., Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City, at abala sa pagtitinda ng manok sa kanilang puwesto, bandang 6:30 ng umaga.

“Nagpaalam daw itong si Mrs. Salvador kay Paulino na iihi sandali at ipinagbili­n sa huli na siya na muna ang bahala sa puwesto,” ani SPO2 Viernes.

Pagbalik ni Salvador ay wala na si Paulino, kaya nagtanong siya sa mga katabing tindahan kung nakita ba nila ang huli.

“Ang sabi nung ibang meat vendor, nagmamadal­i daw lumabas itong suspek na may bitbit na bagay na nakabalot sa plastic,” dagdag pa ng imbestigad­or.

Dito na umano kinabahan si Salvador at tiningnan ang kanyang bag sa cabinet, kung saan nakalagay ang P20,000 cash; at ang violet na pouch bag, na naglalaman ng P100,000 cash, ngunit wala na ang mga ito.

Maging ang kanyang cell phone, na nagkakahal­aga ng P10,000, ay wala na rin sa cabinet.

Nagsasagaw­a na ng follow-up operation laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines