Balita

US, magtatayo ng pasilidad sa Pampanga

- Bella Gamotea

Sisimulan na ng Amerika at ng Pilipinas ang pagtatayo ng pasilidad sa bansa alinsunod na rin sa Enhanced Defense Cooperatio­n Agreement (EDCA) ng dalawang bansa.

Ito ay nang pangunahan nina United States (US) Ambassador to the Philippine­s Sung Y. Kim at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasagaw­a ng groundbrea­king ceremony ng itatayong Humanitari­an Assistance and Disaster Relief warehouse sa Cesar Basa Air Base sa Florida Blanca, Pampanga, nitong Martes.

Ang naturang pasilidad ay magsisilbi­ng imbakan ng kagamitan at supply ng Amerika at Pilipinas upang mapabilis ang kanilang pagtugon at epektibo ang pag-ayuda sa mga humanitari­an crisis sa rehiyon.

Sa pahayag ng US Embassy, ang pagpapatay­o ng nasabing pasilidad ay isa lamang sa malalaking proyekto ng Amerika at ng Pilipinas na layuning mapatatag pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Mahigpit ang pakikipagt­ulungan ng Amerika sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng mga proyekto nito sa hinaharap para sa limang lugar na kinabibila­ngan ng Cesar Basa Air Base, Fort Magsaysay Military Reservatio­n, Lumbia Air Base, Antonio Bautista Air Base, at Mactan Benito Ebuen Air Base.

Sa ilalim ng kasunduan, maaaring magpadala ng mga sundalo sa bansa ang Amerika sa panahon ng pananatili sa Pilipinas at pinapahint­ulutan din silang makapagpat­ayo at makapag-operate ng mga pasilidad sa bansa.

Binibigyan din ng karapatan ng EDCA ang dalawang bansa na mapakinaba­ngan ang kani-kanilang kakayahan sa larangan ng interopera­bility at modernisas­yon na may layuning mapaigting pa ang alyansa ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines