Balita

553,000 turista dumagsa sa Boracay

ILANG BUWAN BAGO PANSAMANTA­LANG ISARA

- Nina ROMMEL TABBAD at TARA YAP May ulat ni Hans Amancio

Dinagsa ng mahigit kalahating milyong turista ang Boracay Island sa Malay, Aklan ilang buwan bago pansamanta­la itong isara sa publiko simula sa Abril 26.

Tinukoy ng Malay Tourism Office (MTO) ang naitala nilang 553,074 na turista na dumayo sa isla mula Enero hanggang Marso ng kasalukuya­ng taon.

Sa nasabing bilang, aabot sa 164,911, o 30 porsiyento ang lokal na turista, habang nasa 78 porsiyento naman ang dumagsang Chinese at Korean.

Sa naturang porsiyento, aabot sa 169,647 ang mga Chinese tourist na mas mataas ng 41 porsiyento kumpara sa 99,911 naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Mataas din ang porsiyento ng dumating na Korean tourist na 122,129, kumpara sa 98,782 naitala noong 2017.

Sa kabuuan, aabot sa 376,171 dayuhang turista ang nagbakasyo­n sa Boracay sa unang tatlong buwan ng taon.

Bahagya rin itong tumaas ng 32 porsiyento kumpara sa 284,878 na naitala noong 2017.

Nakadagdag din sa pag-angat ng porsiyento ng tourist arrival sa bansa ang lumalakas na cruise ship tourism sa bansa, gayundin ang direkta at chartered flights mula sa mainland China, Korea at Taiwan patungong Kalibo Internatio­nal Airport at Caticlan Airport.

Kaugnay nito, posibleng maisailali­m na sa state of calamity ang isla ngayong linggo.

Ito ang inihayag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque nang magpatawag siya ng working conference, sa pangunguna ng Department of Tourism (DoT) at suportado ng mga negosyante sa isla.

Idinahilan­nitonahind­imakapagpa­labas ng P2.3 bilyong emergency fund ang pamahalaan kung hindi magkakaroo­n ng state of calamity declaratio­n.

Ang pondo ay gagamitin sa inaasahang pagkakatan­ggal sa trabaho ng mga manggagawa kasunod ng anim na buwang pagsasara ng isla.

Magpapadal­a naman ng dalawang barko sa isla ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang patrol vessel.

Nakatakdan­g ipadala sa isla ang BRP Cabra (MRRV 4409) at BRP Davao del Norte (SARV 3503) sa Abril 22.

Tatlong patrol group din ang binuo ng PCG na kinabibila­ngan ng Special Operations Group, Marine Environmen­tal Protection Command Group at Coastal and Beach Patrol Group.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines