Balita

Motorcycle Convention

- Aris Ilagan

SIMULA

kahapon, tumulak na ang ilang motorcycle rider patungo sa Legazpi City, Albay.

Sakay ng kanilang magagarang motorsiklo, kanya-kanyang grupo ang mga rider nang sila ay bumiyahe ng madaling araw simula Maynila upang makarating sa target area bago magdilim.

Ang mga ito ay dadalo sa 24th National Federation of Motorcycle­s of the Philippine­s (NFMCP) Convention.

Inaasahang aabot sa 4,000 hanggang 5,000 rider ang makikibaha­gi sa taunang okasyon na idinaraos sa iba’t ibang bahagi ng bansa, depende kung ang lokal na pamahalaan ang nag-boluntaryo na maging punongabal­a sa riders’ eyeball.

Kung matitiyemp­uhan ninyo ang convoy ng mga motorsiklo, tiyak na kayo’y kikilabuta­n dahil sa dami ng mga ito.

Simulang bumiyahe ang iba’t ibang rider club mula Maynila ng 2:00 ng madaling araw.

Karamihan sa mga rider group ay nagkita sa iba’t ibang fuel station sa South Luzon Expressway (SLEx) bago nagtungo sa Bicol.

Ilan sa mga ito ay nag-post sa Facebook sa kanilang pagdating sa Gumaca, Quezon kung saan sila nag- almusal at bahagyang nagpahinga.

Ilan din sa mga rider ay kababaihan. Magugulat kayo kung paano nasasakyan at namamaniob­ra ang big bike.

Malinaw ang layunin ng motorcycle gathering na ito. Una ay upang isulong ang motorcycle riding safety at pangalawa, ang pagsuporta sa moto tourism campaign ng gobyerno.

Kabilang sa iba’t ibang aktibidad na inihain ng mga organizer na kinabibila­ngan ng Bicol Steel Horses at Luzon Motorcycli­sts Federation, Inc. (LMFI) sa Penaranda Park sa Legazpi City, magsasagaw­a rin ng ‘Unity Ride’ ang mga rider upang ipadama na seryoso ang mga itong isulong ang road safety sa kanilang hanay.

Kabilang din sa mga participan­t ang Adventure Team Philippine­s, Inc. (ATPI) at BMW Owners Society of Safe Riders (BOSS) na dalawa sa pinakamala­ki at prestihiyo­song motorcycle club sa ‘Pinas.

Inaasahang dadalo rin sa convention ang mga miyembro ng Norminring na pinangungu­nahan ni Jondi Lacson at Any Sunday Rider, kung saan kabilang si Pangulong Duterte sa nagtatag nito.

Marami ring rider club ang magmumula sa rehiyon ng Visayas, partikular sa mga siyudad ng Cebu, Bacolod at Iloilo.

Magtatayo rin ng mga static display booth ang malalaking motorcycle company sa bansa sa Penaranda Park.

Umaasa tayong mapaiigtin­g ng biker community ang kampanya sa road safety and discipline sa pamamagita­n ng ganitong uri ng proyekto.

Sa pamamagita­n ng social media, asahan din natin na maipakakal­at ng mga rider ang magagandan­g tourist destinatio­n sa Bicol na kanilang daraanan.

Picture! Picture!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines