Balita

Duterte, dakilang mangingibi­g

- Bert de Guzman

KAHIT hiwalay na si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) kay Elizabeth Zimmerman at ang partner niya ngayon ay si Honeylet Avancena, ipinamalas ng Pangulo ang kanyang pagmamahal at pag-ibig sa unang asawa na nagdaos ng kanyang ika-70 kaarawan sa Davao City.

Inihayag ni Mano Digong ang kanyang walang kamatayang pagibig kay Elizabeth, ina nina Mayor Sara, ex-Vice Mayor Paolo at Sebastian. Para sa machong presidente, hindi magmamaliw ang pag-ibig niya sa unang asawa. Hindi kaya naninibugh­o rito si Honeylet na kasalukuya­n niyang “ginang” ngayon? Sila ay may anak, si Veronica o Kitty.

Sa selebrasyo­n ng kaarawan ni Elizabeth Zimmerman na ginanap sa Davao City Convention Center noong Sabado, ipinamalas at inihayag ni PDu30 ang kanyang “walang kamatayang pag-ibig” sa dating asawa. Inalayan niya ito ng isang pumpon ng bulaklak.

Sa larawan na nalathala sa mga pahayagan at Facebook, makikita sina Digong at Elizabeth na naghahalik­an. Sumayaw pa sila sa saliw ng awitin ni Frank Sinatra na “The Things We Did Last Summer”, at sa gitna ng kasiyahan ng mga anak at supporters. Walang duda, ang Presidente ay isang great lover, dakilang mangingibi­g na may malambot na puso sa minamahal.

Bilang patunay ng kanyang pagmamahal at pag-ibig, sinabi niyang kung mauulit ang buhay at mga pangyayari, muli niyang pakakasala­n si Elizabeth sapagkat ito ay talagang love o pag-ibig. Bagamat kilala si Mano Digong sa pagiging isang “womanizer” o babaero, aminado siyang natatangi si Elizabeth.

Badya ni PRRD: “Given another chance, another life, I would still marry Elizabeth because that is love,” habang hinaharana niya ang dating asawa sa awiting “Ikaw” ni George Canseco. Na-annul ang kasal niya kay Elizabeth, isang GermanAmer­ican, noong 2000. Gayunman, nanatili silang magkaibiga­n. Si Elizabeth ay dating PAL stewardess. Siya ang naghain ng annulment laban sa ginoo. Sa kanyang speeches, inaamin niyang dalawa ang kanyang asawa, sina Elizabeth at Honeylet. Noong 2016 election campaign, kumampanya si Elizabeth sa Mindanao at Visayas para iboto si PRRD kahit siya ay may sakit.

Minsan, nang tanungin si Elizabeth kung ano ang maipapayo niya sa dating ginoo na nahalal na Pangulo, sinabi niyang iwasan ang labis na pagmumura. Taglay pa niya hanggang ngayon ang apelyidong Duterte kahit hiwalay na sila dahil ang kasal nila ay hindi naman pinawalang-saysay ng Simbahang Katoliko kundi ng korte lamang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines