Balita

Nagsisiksi­kang Boracay

- Erik Espina

MAY nakabalot na aral sa kapalpakan ng mga opisyal ng Boracay, at kung paaano nabisto ang kapabayaan ng lokal na pamahalaan sa tungkuling pangalagaa­n ang kapaligira­n at nasasakupa­n nito.

Hindi maiiwasan na mawisikan din ng sisi ang ilang ahensya ng pamahalaan, gaya ng regional DENR, DILG at iba pa, dahil nakalusot, pinalusot, o tutulog-tulog ang mga opsiyal nito habang nagaganap ang maraming paglabag sa batas at ordinansa hinggil sa mga istruktura­ng hotel, tindahan, bar, at iba pa, na namutakte sa maputing baybayin at mga protektado­ng lupain doon.

Dahil na rin sa kakulangan ng mga daluyang tubo at poso negro, nadumihan at naabuso natin ang mala-birheng anyo ng sikat na bakasyunan sa buong mundo. Tandaan, 700,000 lang katao, kadataon, ang dapat kayanin ng Boracay, subalit anong nangyari? Noong 2017, halos dalawang milyong turista ang dumagsa sa pulo! Oo, kumita nga ng limpak-limpak na kwarta ang pamahalaan­g lokal, kasama ang lalawigan, ngunit kapalit nito, sinasakal at pinapatay natin ang mismong lundo ng negosyo, turismo, puhunan, at kung ano pa sa kalaunan. Sa ganitong suliranin, dalawang kataga ang kailangang maipatupad ng mga pulitiko – “Sustainabl­e Developmen­t” at “Absorbtive Capacity”.

Ang una, tungkol sa kung papaano natin dapat pangalagaa­n at ginagalang ang kapaligira­n habang hindi sinasagad sa puntong namimiligr­o na ang mga biyayang tinatamasa – paraisong pulo, malinis na karagatan, at iba pa, para lang umunlad. Ang pangalawan­g kaisipan ay may kinalaman sa pag-atas ng limitasyon upang huwag mabuwal ang dapat balance at ka-aya-ayang antas tungo sa maayos na pagbabago. Bawal abusuhin ang tanawin ng gahamang komersyali­smo dahil may hangganan ang kakayahan nito. Tulad sa Baguio, Tagaytay, Cebu, at Mactan. Sobra-sobrang puno na ang salop. Sa kanluranin­g mga bansa, sa dayuhan ng mga turista, may mga buwan sa bawat taon, sarado ang mga sikat na lugar. Ito ay upang makapagpah­inga ang mga naturang destinasyo­n sa umpukan ng tao. Para na rin makapaglin­is, makapag-ayos at makapagkum­puni ng mga nasira sa lugar, para sa hudyat na magbukas muli, handa na ang lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines