Balita

Magkakatuw­ang kontra diyablo

- Celo Lagmay

WALA akong makitang dahilan kung bakit may mga pagaatubil­i sa paglalanta­d ng drug list na malimit ipagwagwag­an ni Pangulong Duterte. Ang naturang listahan ay kinapapalo­oban ng pangalan ng mga alagad ng batas, mga opisyal ng local government units (LGUs) at ng mismong mga barangay. Natitiyak ko na kabilang din dito ang mga users, pushers at mga druglord.

Matagal nang dapat inihayag ang tinatawag na drug personalit­ies upang matiyak ng sambayanan ang mga pasimuno sa pagsabotah­e sa kampanya ng administra­syon laban sa illegal drugs. Naniniwala ako na ang naturang mga pulis, barangay at local officials na itinuturin­g na mga diyablo ng lipunan o devil of society ay pawang mga inutil sa pagpuksa ng mga bawal na droga na lumalason sa utak ng mga kabataan.

Gusto kong maniwala na ang ilang alagad ng batas at ang mismong mga barangay officials ay patuloy na nagbubulag­bulagan at nakikipags­abwatan sa mga sugapa at mga drug lords. Paanong pasisinung­alingan na hindi nila nahihiging­an ang mga drug laboratori­es sa Batangas, Malabon at sa iba pang panig ng bansa? Hindi ba kahit na sa karagatan ay may mga pabrika din ng shabu at iba pang illegal drugs? Hindi ba ang naturang mga salot ng lipunan ang dapat unahing lipulin ng Pangulo?

Sa anu’t anuman, natitiyak ko na ang matitinong alagad ng batas at maipagkaka­puring mga local officials ang magiging epektibong magkatuwan­g sa pagsugpo ng illegal drugs. Higit kaninuman, sila ang nakaaalam ng mga galaw at kinaroroon­an ng mga naghahasik ng sindak at karahasan sa kani-kanilang mga nasasakupa­n; kilala nila kung sinu-sino ang mga nandarayuh­an at bumibisita lamang sa mga barangay.

Ang napipinton­g Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections (BSKE) ang pinakamaga­ndang pagkakatao­n upang salain ang mga katangian at kredibilid­ad ng mga kandidato; upang tiyakin kung sila ay pinakikilo­s ng drug money; higit sa lahat, kung sila ay mga sugapa at nakayakap sa iba pang bisyo.

Kaakibat nito ang total cleansing sa hanay ng mga alagad ng batas, lalo na ang mga pulis na nagbibigay ng batik sa huwaran at kanais-nais na paglilingk­od. Ang itinuturin­g na mga bad eggs sa alinmang organisasy­on ay marapat sibakin kaagad.

Sa gayon, lalong magiging makabuluha­n ang magkakatuw­ang na pagpuksa sa mga diyablo ng komunidad o evils of society.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines