Balita

Mark Herras, challenged sa pagiging kontrabida

- Nora V. Calderon

TINAWANAN

na lamang ni Mark Herras ang paulit-ulit na tanong sa kanya ng press sa media launch ng bagong epidemic drama na The Cure ng GMA 7, tungkol sa kumalat na sex video niya na luma na pero may naglabas pa.

“Hindi ko na po lamang pinapansin dahil noon pa nga iyon, napag-usapan na matagal na,” sabi ni Mark. “Ang ayaw ko po lamang at nakikiusap ako, huwag na lamang nilang i- tag si Wyn ( Marquez). Nagugulat siya na laging may nagtatag sa kanya, siyempre, napapahiya siya, kaya kung pwede lamang, huwag na nilang i-tag si Wyn. Walang kinalaman si Wyn noong panahon na iyon. Salamat po.”

Pag- uusapan daw sa serye ang pagiging kontrabida ni Mark as Darius, a one-track mind man who is ruthless, strong, skilled in physical combat, at hindi niya sinasayang ang panahon basta makuha lamang niya ang gusto niya. Bakit siya pumayag na maging kontrabida samantalan­g ilang beses na silang nagtambal noon ni Jennylyn Mercado, after nilang maging Ultimate Grand winners ng first Starstruck?

“Gusto ko po namang ma-challenge kaya nang i-offer sa akin ang role, hindi ko na inisip na bakit hindi bida, okey po na si Tom ( Rodriguez) ang katambal ni Jen. Nagustuhan ko ang role at pinaghanda­an ko na iyon. Hindi po naman mahirap ang training dahil hasa naman ako sa dance floor.” Ang concept ng The Cure ay tungkol sa isang experiment­al drug na nakakamata­y ng cancer cells, pero ang side effect nito ang malaking problema – ang pagkabuo ng highly contagious virus na tinawag na Monkey Virus Disease or MVD na ang infected nito ay magkakaroo­n ng seizures at magiging violent. Worst, kumalat na ito hindi lamang sa city, kundi sa buong bansa at ang kailangan nilang matuklasan, kung ano ang makapagpap­agaling sa lahat ng affected nito. Ayon kay Direk Mark Reyes, hindi zombies na mananakot sa story ng The Cure. Horror-suspense na gulatan at magugulat ang mga manonood sa mga eksenang ipakikita nila. Pero ang puso ng story, iyong love ng family at ang love nina Gregory (Tom) at Charity (Jennylyn) at ng anak nilang si Hope ( Leanne Bautista) para sa isa’t isa. Mapapanood na ang The Cure sa Lunes, pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Mark
Mark

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines