Balita

Ex-US First Lady Barbara Bush, 92, pumanaw na

-

PUMANAW

na nitong Martes si Barbara Bush—na dating First Lady ng Amerika at asawa ng ika- 41 Pangulo ng Amerika na si George H.W. Bush.

Binawian ng buhay ang dating First Lady sa edad na 92, sa kanyang tahanan, sa piling ng kanyang pamilya. Nagkaroon siya ng congestive heart failure at Chronic Obstructiv­e Pulmonary Disease (COPD), iniulat ng TMZ.

Nagdesisyo­n si Barbara na oras na para lumisan siya, at sinabi sa kanyang mga doktor na huwag nang ipagpatulo­y ang medikasyon, kapalit ng pangangala­ga ng kanyang pamilya.

Parehong naospital sina Barbara at George sa Houston noong 2107 dulot ng iba’t ibang sakit, ngunit kinakitaan pa rin siya ng kasiglahan nang dumalo sa Super Bowl 51 coin toss, kasama ang kanyang asawa, isang buwan makaraang maospital.

Nagsilbi si Barbara bilang First Lady mula 1989 hanggang 1993, at bilang Second Lady din sa loob ng walong taon sa kasagsagan ng administra­syon ni Ronald Reagan. Kilala siya sa pagsusulon­g ng universal literacy, at nagtatag ng Barbara Bush Foundation for Family Literacy.

Inulila niya ang kanyang asawa, apat na anak na lalaki—kabilang sina George

W. at Jeb Bush— isang anak na babae, 17 apo, at pitong apo sa tuhod.

Naglabas ng pahayag ang White House ilang oras makaraang ihayag ang pagpanaw ng dating First Lady: “She will be long remembered for her strong devotion to country and family, both of which she served unfailingl­y well. The President and First Lady’s thoughts and prayers are with the family and friends of Mrs. Bush,” iniulat ng TMZ.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines