Balita

Steven Spielberg magdidireh­e ng superhero movie

-

SA wakas, magdidireh­e na si Steven

Spielberg ng superhero movie. Ayon sa ulat ng Variety, nakipagtul­ungan ang batikang direktor at ang kanyang Amblin Entertainm­ent sa Warner Bros. upang i-produce ang action-adventure na

Blackhawk, at si Spielberg ang magdidireh­e ng pelikula.

Batay sa classic comic-book property, ang proyekto ang unang beses na magdidireh­e si Spielberg ng karakter mula sa DC universe. Ang pinakabago­ng idinirihe ni Spielberg ay ang Ready Player One para sa Warner Bros., na tumabo na ng $476 million sa buong mundo, nang ilabas nitong nakaraang buwan.

“We are so proud to be the studio behind Steven Spielberg’s latest hit, and are thrilled to be working with him again on this new action adventure,” lahad ni Toby Emmerich, chairman ng Warner Bros. Pictures Group. “We can’t wait to see what new ground he will break in introducin­g Blackhawk to movie audiences worldwide.”

Ang screenplay para sa Blackhawk ay isinulat ni David Koepp, na nakipagtul­ungan kay Spielberg bilang screenwrit­er sa blockbuste­rs na Jurassic Park, The Lost World: Jurassic Park, War of the Worlds, at Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull. Ipo-produce ni Spielberg ang pelikula kasama si Kristie Macosko Krieger sa ilalim ng Amblin Entertainm­ent banner, habang si Sue Kroll ang magiging executive producer sa ilalim ng kanyang Kroll & Co. Entertainm­ent shingle.

“It was wonderful working with the team at Warner Bros. to bring Ready Player One to the screen,” sinabi ni Spielberg sa

Variety. “They bring a blend of passion and profession­alism to everything they do and have a tremendous history in this genre. I am excited to reunite with them on Blackhawk.” Ipalalabas ng Warner Bros. Pictures ang Blackhawk sa buong mundo.

Unang ipinakilal­a ang

Blackhawk noong 1941 ng Quality Comics bago ito binili ng DC Comics noong 1957. Sa komiks, si Blackhawk ang lider ng Blackhawk Squadron, isang elite group ng mga piloto na nakipaglab­an noong World War II.

Kasalukuya­n pang tinatapos ni Spielberg ang ikalimang Indiana Jones movie, na sunod niyang magiging proyekto. Hindi naman agad gagawin ang Blackhawk kasunod ng nasabing pelikula, ngunit pagkatapos pa ng West Side Story, na kasunod na ipo-produce

ng Indiana Jones movie. Hindi pa alam kung kailan ang eksaktong simula ng shooting ng

Blackhawk, ngunit may panahon pa ang studio na ganap na buuin ang proyekto bago ito ipahawak kay Spielberg.

 ??  ?? Steven
Steven

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines