Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-133 labas

DUMALAW

si Lagring sa sauna parlor. Nagkausap sila ni Mutya. Dakong-alas otso na ng gabi, taka si Mutya kung bakit naroon pa si Princess.

“Bakit narito ka pa? tanong ni Mutya. “Baka nasa bahay na si Pedring. Maghihinta­y ‘yon.”

“Mapeste siya, ano’ng pakelam ko?”

“Teka... teka. Nag-away ba kayo ni Pedring?”

“Ako ang nagalit sa kanya. Ako lang naman talaga ang may karapatang magalit.”

“Ano? Anong klaseng samahan ‘yon?”

“Gano’n ang kundisyon namin. Ako lang ang puwedeng magalit.”

“Ibang klaseng lalaki ‘yan si Pedring. Talagang mukhang napakabait. At pakakasala­n ka raw.”

“Pakasal siyang mag-isa, bakulaw siya!”

“Ha? A-ano?” Gulat at taka si Mutya. “Linawin mo nga, mare. No’n pa ako nahihiwaga­an senyo.”

“Ngayon ko sasabihin ang sikreto namin ng hayupak na Pedring na ‘yan.” “Ha? Talaga? Marinig ko nga...” “Kaya lang ako nakisama sa kanya ay dahil gusto ko siyang parusahan. Gusto ko siyang gantihan sa mga karumaldum­al na kasalanan niya sa akin. Gusto ko siyang lasunin. Gusto ko siyang barilin. Pero naisip ko, magiging madali kung mamatay siya kaagad.”

Kandidilat si Mutya sa gulat. “Ano talaga, Princess... ang kasalanan sayo ni Pedring?”

“Siya ang naging dahilan kung bakit narito ako sa burak!”

“Kung burak nga itong kinalalagy­an natin, di ba nga gusto ka niyang hanguin? Gusto ka niyang pakasalan, di ba?”

“Matagal pa bago siya makapagbay­ad sa atraso niya sa akin. Baka nga hindi na siya makabayad.”

“Ano ba talaga ang atraso ni Pedring?”

“Pahihirapa­n ko siya hanggang sa si’ya’y mamatay sa sama ng loob!”

“Ano ba talaga ang atraso niya?” ulit na tanong ni Mutya.

“Sumpa ito, Mutya... sumpaaa!”

“Hirap mong kausap, Princess!”

Gusto talagang malaman ni Mutya ang sintimyent­o ng kaibigan pero nagpupuyos sa galit si Princess. Tinigilan na lang niya ang pag-uusisa. Alam niya ang ugali ni Princess. Pag gusto na nitong magtapat, hindi mo na pipilitin.

Maagang umalis ng bahay si Princess nang umagang iyon. Wala naman talaga siyang tiyak na pupuntahan. Naiinip lang siya ng nag-iisa sa buong maghapon. Ewan kung bakit kahit na galit na galit siya kay Pedring, gusto niya’y kasama niya ito. Siguro, ang talagang gusto niya’y nakikita si Pedring na hirap na hirap ang kalooban. Hindi niya gustong hindi nakikita si Pedring dahil baka kung nag-iisa ito ay maging masaya. Iyon ang ayaw na ayaw niya. Ang magkaroon man lang ng pagkakatao­n, kahit saglit, na maging masaya si Pedring.

Namasyal muna siya sa downtown. Nanood siya ng sine. Nang lumabas, namasyal uli. Pasyal. Pasyal. Saka siya nagtungo sa sauna parlor.

Kung dumating si Pedring mula sa trabaho ay mga alas nueve ng gabi o higit pa. Kung minsan nga, alas onse o alas dose na. Lagi na, may staff meeting daw o kung ano pa. Ano ba ang pakialam niya kung ano man ang gawin ng lalaking ‘yon?

Ang gusto ni Princess, mauuna pang dumating sa kanya si Pedring. Gustonggus­to niya, kung dumating siya, makikita niya ang matinding pagka-inip at pagaalala sa kanya ni Pedring. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines