Balita

Dimakiling, kinapos sa Sharjah Masters chessfest

-

NALASAP ni Filipino Internatio­nal Master Oliver Dimakiling ang kabiguan matapos ang Round 7 nitong Martes na naging dahilan para mapatalsik sa ika-2 puwesto sa 2nd Sharjah Masters Internatio­nal Chess Championsh­ip sa Sharjah Chess Club sa Sharjah, United Arab Emirates.

Nabigo ang Davao City native (Elo 2412) kontra kay Super GM Eltaj Safarli (Elo 2653) ng Azerbaijan matapos ang 33 moves ng Torre Attack Opening tangan ang white pieces.

Dahil sa tagumpay, nakapagtal­a si Safarali ng kabuuang 6.0 puntos, para makisalo sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto si Super GM Sethuraman S.P. (Elo 2631) ng India na dinaig naman si Super GM Arkadij Naiditsch (Elo 2701) ng Azerbajian matapos ang 33 moves ng Giuco Piano Opening.

Samantala ay nagpatuloy ang pananalasa ni Super GM Parham Maghsoodlo­o (Elo 2615) ng Iran matapos pisakin si Super GM Gawain Jones (Elo 2675) ng England matapos ang 45 moves ng Sicilian Defense, Rossolimo variation para manatili sa unahang puwesto na may perfect 7.0 puntos matapos ang pitong laro.

Nanatili naman si Dimakiling sa 5.0 puntos at mahulog sa ika-9 hanggang ika-19 na puwesto sa grupo ni Naiditsch, ang kanyang eight at penultimat­e round opponent.

May total prize fund $60,000 ang nakataya kung saan ay $15,000 ang naghihinta­y sa magkakampe­on sa torneong ito na full support ni HH Sheikh Dr. Sultan bin Mohammad Al Qasimi, ang pinuno ng nasabing bansa.

Ayon kay Philippine Executive Chess Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, hindi magiging madali ang daan patungo sa third at final GM norm ni Dimakiling kung saan kinakailan­gan niyang talunin si Naiditsch, ang tumalo kay World Champion Magnus Carlsen ng Norway tangan ang black pieces na dating first board player ng German team sa 41st Chess Olympiad saTromsø, Norway noong Agosto 2014.

Si Naiditsch din ang kampeon sa Dortmund Sparkassen 2005 Tournament, angat sa puntos kina higher-rated at wellknown players gaya nina Loek van Wely, Veselin Topalov, Peter Svidler, Vladimir Kramnik, Michael Adams, at Peter Leko. Noong 2007, si Naiditsch din ang German national championsh­ip winner sa Bad Königshofe­n. Noong Hulyo 2015, si Naiditsch ay lumipat sa Azerbaijan Chess Federation.

Sa panig naman ni Dimakiling ay nakopo niya ang kanyang first GM norm matapos mag co-champion sa Dato Arthur Tan Malaysia Open Chess Championsh­ip noong 2006. Nakamit niya ang second GM norm sa 2012 National Open Chess Championsh­ips.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines