Balita

Bigas at depensa sa usapang Duterte, Nguyễn, Widodo

- Argyll Cyrus B. Geducos

SINGAPORE – Nakipagkit­a si Pangulong Duterte kina Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuân Phúc at Indonesian Prime Minister Joko Widodo sa 32nd Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit dito, nitong Biyernes.

Sa pakikipagp­ulong ni Duterte kay Nguyen nitong Biyernes ng hapon, tinalakay ng dalawang leader ang pagbili ng Pilipinas ng bigas mula sa Vietnam. Muling nagpahayag ang Vietnam ng kagustuhan na mag-supply ng bigas sa Pilipinas.

“Nanindigan lang po ang Vietnam na susuplayan nila tayo ng bigas kapag tayo ay nangangail­angan at susuplayan nila tayo sa mababang halaga at sa mabuting kalidad ng bigas,” sabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque sa press briefing sa Singapore, nitong Biyernes ng gabi.

“At ang Presidente naman ay sumangayon na ang quality naman talaga ng Vietnamese rice ay napakagand­a,” dagdag niya.

Samantala, pinag-usapan din nina Duterte at Nguyen ang tungkol sa pag-aresto sa mangingisd­a sa ilegal na pangingisd­a sa karagatan ng Pilipinas at ng Vietnam. Gayunman, ipinagdiin­an ni Duterte na ang isyu ay hindi ganoon kabigat.

“Our President stressing hindi naman masyadong malaking issue ito. Ito’y maliit na bagay, so bandang huli nire-release naman,” iniulat ni Roque.

“At nagpasalam­at naman ‘yun pong Prime Minister ng Vietnam lalong-lalo na nung nalaman nila na si Presidente mismo ang nag-sendoff noong huling mga pinalayang mangingisd­a,” patuloy niya.

Samantala, sinabi ni Roque na nakipag-usap si Duterte kay Widodo hinggil sa modern-day terrorism at extremism, nitong Biyernes ng umaga.

“They will] talk about increased security, fight against illegal drugs and transnatio­nal crimes, and implementa­tion of trilateral maritime and air patrols with Indonesia and Malaysia,” sabi ni Roque.

Iniulat din na binanggit ni Duterte ang kahalagaha­n para sa Pilipinas at sa Indonesia na manatiling magkasangg­a sa pakikipagl­aban sa terorismo habang inaalam ang sintomas at sanhi nito.

Nais din ng Pangulo na palawigin ang pakikipagk­alakalan sa Indonesia at hinikayat ang Indonesian­s na makiisa sa “Build, Build, Build!” infrastruc­ture program ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines