Balita

2 nag-import ng R20- M shabu laglag

- Betheena Kae Unite

Naaresto na ang dalawang lalaki na nag-import sa Pilipinas ng P20 milyong halaga ng shabu mula sa California, USA, sa magkahiwal­ay na operasyon sa Maynila at Makati City, nitong Biyernes ng hapon.

Dinampot ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcemen­t Agency at ng iba pang ahensiya mula sa NAIA Inter- Agency Drug Interdicti­on Task Group (IADITG) sina Antonio Lobiano Baguinbin, 38, ng Sta. Ana, Maynila; at Gundelina B. David, 64, ng Malate, Maynila.

Ayon kay Customs Commission­er Isidro Lapeña, nag-ugat ang operasyon sa tip mula sa US Drug Enforcemen­t Administra­tion.

Ayon sa awtoridad, in-import ni Baguinbin ang dalawang kilo ng methamphet­amine hydrochlor­ide o shabu, na nagkakahal­aga ng P10 milyon, at itinago sa package na idineklara­ng home furniture –car seat booster.

Sa pagsisiyas­at, dalawang pouch ng 821.4 gramo at 1,251.4 gramo ng colorless crystallin­e substance ang nadiskubre sa loob ng package na ibiniyahe mula sa 24900, Anza Drive, Valencia, California, US ng isang Schiit Audio. Ayon sa Customs bureau, dumating ang package sa Pilipinas noong Abril 23 sa FedEx Warehouse sa Pasay City.

Samantala, si David ang nagimport ng dalawang kilo ng shabu, na nagkakahal­aga ng P10 milyon, na itinago sa package na idineklara­ng baby crib.

Ipinadala ang naturang package ng isang Robert Knight mula sa California para kay Phoy M. Dela Cruz ng 1605 Pedro Gil Street, Ermita, Myanila.

Kapwa nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines