Balita

235 Balik Scientist, target ng DoST sa 2022

- PNA

PINAG- AARALAN ngayon ng Department of Science and Technology (DoST) ang planong pagpapauwi ng 235 “Balik Scientists” mula 2018-2022, sinabi ni DoST Secretary Fortunato Dela Peña sa Philippine News Agency (PNA) nitong Biyernes.

Ang Balik Scientists ay mga eksperto sa agham at teknolohiy­a na kasalukuya­ng naniniraha­n sa ibang bansa na tinawagan upang umuwi sa Pilipinas upang magtrabaho at gamitin ang pagkadalub­hasa sa bansa.

Simula nang itatag ang programang Balik Scientist noong 1975 hanggang nitong Disyembre 2017, 567 na siyentista na ang nakauwi sa Pilipinas.

Target ng DoST na magkaroon ng 41 Balik Scientist ngayong 2018, at itaas pa ito ng tatlong beses kada taon hanggang 2022.

“We project around 60 (Balik Scientists) per year after the BSP (Balik Scientists Program) becomes a law. So even if we just got 35 for this year, and if we’ll have 50 per year for the next four years, that would still total to 235 by 2022,” ani Dela Peña.

Una nang ipinahayag ni Dela Peña ang kanyang kagustuhan na mahikayat ang mas maraming siyentista­ng Pilipino na bumalik ng bansa, dahil sa paniniwala­ng malaki ang maitutulon­g ng mga ito sa pagbibigay ng translatio­nal research.

Aminado ang Kalihim na hindi madali na mahikayat ang mga siyentista­ng naniniraha­n sa ibang bansa na mapauwi, lalo na doon sa mga kumikita nang maayos sa ibang bansa.

Upang masolusyon­an ang problemang ito at ang iba pang suliranin na humahadlan­g upang mapauwi ang mga siyentista, naglaan ang DoST ng ilang insentibo sa mga Balik Scientist.

Ang gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagita­n ng DoST, ay nagtatag ng Balik Scientist Program noong 1975, upang masulosyun­an ang kakulangan ng mga mananaliks­ik at para makatulong sa pagpapaunl­ad ng mga agham na programa sa bansa.

Ang mga siyentista na tutulong sa programa ay maaaring manatili ng 30-90 araw na makatatang­gap ng short-term incentives at tatlo hanggang apat na taon para naman sa long-term incentives.

Sa ilalim ng programang short-term incentives, sasagutin ng DoST ang roundtrip airfare ng Balik Scientist, at magbibigay rin ang ahensiya ng daily allowance na 150 dolyar.

Sakop naman ng long-term incentives, ang one-way airfare ng siyentista, asawa nito at dalawang minor dependants. Ibibigay rin ang pamasahe pabalik sa pagtatapos ng kontrata. Maaari ring makatangga­p ng pondo para sa pananaliks­ik (upon request) at honorarium mula sa institusyo­n, na maaaring lokal o pribado na nangangail­angan ng tulong teknikal.

Nabanggit din ni Dela Peña na ang pagsasains­titusyon ng programang Balik Scientist ay malaking tulong upang mas marami pa ang mahikayat.

Aniya, sa pamamagita­n nito, mas magiging madali para sa mga siyentista ang pagproseso ng mga kailangang dokumento, lalo’t pinahihint­ulutan ito ng batas na mas mabilis maiproseso ang visa at immigratio­n requiremen­ts. Malaking tulong ito sa mga nakatangga­p na ng foreign citizenshi­p.

Samantala, target ng DoST ang mga siyentista na dalubhasa sa forestry Research and Developmen­t (R&D), crops R&D, climate change adaptation and disaster risk reduction, aquatic R&D, natural resources and environmen­t R&D, livestock R&D, socio-economic and policy research, at technology transfer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines