Balita

Villamayor, nagparamda­m sa 45th Selangor Open

-

GINIBA ni Filipino Grandmaste­r Buenaventu­ra “Bong” Villamayor si Malaysian Woman Candidate Master Jia-Tien Chua para magparamda­m agad ng lakas sa pagbubukas ng 45th Selangor Open Chess Tournament nitong Sabado sa Grand Ballroom ng Cititel Mid Valley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang Singapore-based Pinoy chess teacher na si Villamayor na may 2427 Elo rating ay matagumpay na naisulong ang puting piyesa para matalo ang lower-ranked Malaysian rival na may Elo rating 1750.

Dahil sa panalo ng Mauban, Quezon province native, seeded second sa oldest chess tournament sa Malaysia, nakisalo siya sa ika-1 hanggang ika-36 na puwesto kasama ang mga kababayan na sina IM Haridas Pascua ng Mangatarem, Pangasinan, IM Oliver Dimakiling ng Davao City, IM Hamed Nouri ng Escalante City, Negros Occidental, IM Emmanuel Senador ng Iloilo, FM Alekhine Nouri ng Far Eastern University, Quezon City, FM Nelson Villanueva ng La Carlota City, Negros Occidental, NM Efren Bagamasbad ng Quezon City, NM Merben Roque ng Cebu at Ian Cris Udani ng Bacolod City.

Nakaungos ang No.1 seed na si Pascua sa kababayan at Hongkong-based No.45 seed Edgardo Borigas (Elo 1767), namayani ang No.4 seed Dimakiling kay No.48 seed Lim Kian Hwa (Elo 1718) ng Malaysia, pinadapa ng No.7 seed Hamed si No.52 seed Aminuddin Muhd Faqih (Elo 1667) ng Malaysia, angat ang No.8 seed Senador kay No.53 seed Abdul Razak Tariq Ziad (Elo 1664) ng Malaysia, panalo ang No.9 seed Roque kay No. 54 seed Ragu Ram R.Nadarajan (Elo 1663) ng Malaysia, pinatumba ng 10 seed Miciano si No.55 seed Chembeti Shreesh Amit (Elo 1656 ) ng Malaysia, winasiwas ng No.11 seed Udani si No.56 Low Chee Pang (Elo 1656) ng Malaysiia, pinayuko ng No.19 seed Bagamasbad (Elo 2120) si No.64 Yeop Mat Zaki (Elo 1556) ng Malaysia, panalo si No.21 seed Villanueva (Elo 2081) kay No.66 seed Chin Shun Yi (Elo 1534) ng Malaysia at dinurog ng No.36 seed Alekhine si No. 80 seed Ong Weng Yan (Elo 1388) ng Malaysia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines