Balita

Mandaluyon­g City, inilahok ni Singson sa MPBL

-

ISANG higanteng hakbang ang naging desisyon ng isang kabataang sportsman na si Christian Luis Singson matapos na pormal nang lumahok ang koponan nito sa sumisikat na ligang Maharlika Pilipinas Basketball League na lalarga na uli ang susunod na edisyon sa Hunyo.

Ang kanyang Mandaluyon­g Tigers sa pakikipagt­ulungan ng LGU ng lungsod ang naging ika18 koponan ng bagong ligang MPBL. Itinatag ni Christian ang koponan at tiniyak niyang magiging isang team to beat ito dahil ang pagkakaroo­n ng karakter, tapang, dedikasyon at pagmamahal sa sport na basketball kung kaya inaasahan ito na maging isa sa magiging paborito sa MPBL.

“Basketball is my passion. As a player and now a team owner, I assure you this will be a long vision for my team just like what Senator Pacquiao ‘ s vision for MPBL,” pahayag ni Singson, anak ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit.

Kinuha ng kampo ni Singson ang ang mga pambatong maglalaro sa ALAB Pilipinas na mga kilala at idolo na sina Bobby Ray Parks at iba pang inaantay na lang ang kumpirmasy­on na kasalukuya­n pang naglalaro sa finals ng ABL kontra reinforced na Thailand.

Dagdag- ningning para sa koponan ang mapasama sa lineup ang showbiz personalit­y na si Xian Lim, na nakatakdan­g promal na magpahayag anumang araw mula ngayon.

Itinakda naman ng mga coaching staffs ni Christian Luis ang araw ng try out para sa pagbuo ng champion caliber team sa MPBL sa susunod na Biyernes ng gabi sa RTU Gym sa Mandaluyon­g City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines