Balita

GAME SEVEN!

Indiana Pacers, nakahirit ng ‘do-or-die’ sa Cavs; Jazz at Raptors, umusad

-

SALT LAKE CITY (AP) — Bagito man sa liga, beterano kung lumaban si Donovan Mitchell.

Sa krusyal na sitwasyon, nagsalansa­n ang Rookie of the Year prospect sa naiskor na 38 puntos para sandigan ang Utah Jazz sa impresibon­g 99-91 panalo kontra Oklahoma City Thunder sa Game Six nitong Biyernes (Sabado sa Manila) para makausad sa Western Conference semifinals.

Nabalewala ang ratsada ni Russell Westbrook na 46 puntos para sa Thunder, habang tumipa si Steven Adams ng 19 puntos at 16 rebounds.

Matikas na naglaban ang rookie at MVP sa kabuuan ng laro, ngunit sapat ang tulong ng iba pang Jazz starter para mapahina ang Thunder at kumpletuhi­n ang kanilang first-round playoff series sa 4-2. Makakahara­p ng Jazz ang top-seeded Houston Rockets sa Western Conference semifinals simula sa Linggo (Lunes sa Manila).

Hataw si Derrick Favors sa nakubrang 13 puntos, habang tumipa si Rudy Gobert ng 12 puntos at 13 rebounds para sa Jazz, kinapos sa player matapos magtamo ng hamstring injury si point guard Ricky Rubio.

Naitala ng Jazz ang pinakamala­king bentahe nang maisalpak ni Gobert ang dalawang free throws para sa 86-73 may 7:04 sa laro.

PACERS 121, CAVS 87

Sa Indianapol­is, naitala ni Victor Oladipo ang unang postseason tripledoub­le – 28 puntos, 13 rebounds at 10 assist – para pangunahan ang Pacers sa pagsalanta sa Cleveland Cavaliers.

Nakalaylay ang isang paa sa hukay, matikas na bumalikwas ang Pacers sa mabilis at determinad­ong laro para maitabla ang serye at maipuwersa ang do-or-die laban sa Eastern Conference defending champion. Gaganapin ang Game 7 sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Cleveland.

Nanguna sa Cavs si LeBron James na may 22 puntos, pitong assists at limang rebounds, ngunit wala nang iba pang Cavs ang nakasikor ng mahigit sa 13 puntos.

RAPTORS 102, WIZARDS 92

Sa Washington, naibangon ng Toronto Raptors ang malamyang laro sa first half sa road playoff game, sa pangunguna ni Kyle Lowry ay nagawang makahirit para tapusin ang serye sa 4-2.

Naghabol ang Toronto sa pinakamala­king 12 puntos na bentahe sa first quarter at alanganin sa 53-50 sa second period. Sa third period, nagiba ang tema ng laro ng Raptors, ngunit nanatiling naghahabol hanggang sa pagsapit ng final period.

Sa krusyal na sandal kumana sina Lowry at DeMar DeRozan, nalimitaha­n sa series-low 16 puntos, para baligtarin ang sitwasyon at angkinin ang momentum.

Haharapin ng East No.1 ang magwawagi sa serye ng Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers na magtutuos sa ‘do-or-die’ Game 7.

Nanguna si John Wall sa Wizards na may 23 puntos at walong assists, habang nanguna si Bradley Beal na may 32 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines