Balita

Digong protektado ng China sa Palasyo

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na nangako si Chinese President Xi Jinping na poprotekta­han siya sa anumang planong pagpapatal­sik sa kanya sa puwesto.

Ito ang inilahad ni Duterte sa paggunita sa unang anibersary­o ng pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise upang idiin ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa underwater plateau.

“The assurances of Xi Jinping were very encouragin­g ‘We will not--,’ eh nandiyan naman sila. ‘We will not allow you to be taken out of your office, and we will not allow the Philippine­s to go to the dogs,” ani Duterte mula sa Casiguran, Aurora.

“Siguro kasi freely elected leader naman ako, it could be a very justified statement,” dugtong niya.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nagbabalak ang Central Intelligen­ce Agency (CIA) ng United States na patatalsik­in siya – isang akusayon na itinanggi ng US. Minsan na rin niya binanggit na ang CIA ang dapat na sisihin sakaling sumabog ang kanyang eroplano.

“If I die, ‘pag pumutok ‘yung eroplano ko, naroon inside ako, you can be sure it’s the CIA,” aniya.

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na sinabi ni Duterte na poprotekta­han ng China ang Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa Davao City nitong unang bahagi ng buwan, sinabi ni Duterte na tiniyak sa kanya ng China na poprotekta­han nito ang Pilipinas sa mga banta sa labas.

Ipinaliwan­ag niya na pinili niyang lapitan ang China gayundin ang Russia para mayroong garantiya na may tutulong sa Pilipinas pagdating ng araw. Sinabi niya na kapwa positibo ang tugon ng dalawang bansa.

“Bakit ko nilagay diyan? Mas mabuti ng may garantiya ako. Kung tutulong man ang America, which I doubt, meron sila ‘yung mga missile-missile,” ani Duterte.

“They [America] have lost so many wars. So China said, ‘We will protect you. We will not allow the Philippine­s to be destroyed. Nandito lang kami at kung gusto mo, anytime, tawagin mo kami,’” dugtongniy­a.

Muli ring tinuligsa ni Duterte ang United States na takot mamatay. Binanatan din niya ang world superpower sa pagbibigay ng mga kondisyon sa kanilang mga tulong, hindi katulad ng China o ng Russia.

“To this day, ni papel o lapis walang hiningi ang China pati Russia,” ani Duterte.

“When you talk to itong China, Russia, isang salita lang. ‘We will be there.’ Itong America, itong mga Italy, wala ‘yan. Mga puting i****. Totoo. Takot lang ‘yan mamatay,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines