Balita

DENGVAXIA CARD PINEPEKE NA RIN

- Ni BERT DE GUZMAN

May fake na titulo ng lupa. May huwad din na marriage certificat­e at diploma.

Ngayon pati Dengvaxia card, pinepeke na rin.

Ibinunyag ni Health Secretary Francisco Duque III ang bagong katiwalian sa pagdinig ng House Committee on Appropriat­ions noong Miyerkules.

Ibinibigay ang Dengvaxia cards sa mga batang magaaral na naturukan ng dengue vaccine.

Nakasaad sa card ang pangalan ng bata, grade level, gender, pangalang ng mga magulang o guardian, contact number, kung ilang beses naturukan ang bata at kung kailan.

“The Dengvaxia cards will be key in monitoring the health status of the vaccinees. It will also facilitate hospitaliz­ation and treatment of the card holders as they may be needed,” sambit ni Rep. Karlo Nograles, chairman ng komite.

Mungkahi ni Nograles kay Duque, gumawa ng mahigpit na safeguards kaugnay ng beripikasy­on sa Dengvaxia cards.

Nagsimulan­g ipamahagi ng Department of Health (DoH) ang Dengvaxia cards sa Pampanga Provincial Dengue Summit nitong Enero.

Ayon kay Duque, ang pagkalat ng pekeng Dengvaxia cards ay lalong magpapalal­im sa pagdududa sa naturang bakuna.

Itinigil ng DoH ang pagbabakun­a laban dengue noong 2017 matapos aminin ng Sanofi Pasteur, ang gumagawa ng Dengvaxia, na maaaring makasama ito sa mga batang hindi pa nagkakasak­it ng dengue.

Hindi bababa sa 39 ang mga batang namatay matapos turukan ng Dengvaxia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines