Balita

Arraignmen­t ni De Lima, muling naunsiyami

- Bella Gamotea

Hindi na naman natuloy kahapon ang pagbasa ng sakdal ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) laban kay Senador Leila de Lima kaugnay ng umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sa halip ay nag-isyu ang korte ng kautusan na tumugon sa hirit ng prosekusyo­n na palitan ang kaso laban kay De Lima na illegal drug trade ng conspiracy to trade illegal drugs habang nakabimbin pa ang mosyong inihain ng senadora.

Itinakda ang pagdinig sa nasabing kaso sa Agosto 10.

Ipinagpali­ban din ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang arraignmen­t ni De Lima matapos nitong maghain ng motion to quash nang tanggihan ni Judge Lorna Domingo ang unang motion for reconsider­ation on the amended informatio­n ng senador.

Itinakda ng korte ang arraignmen­t sa Hunyo 22, sakaling maibasura ang nasabing mosyon.

Sa unang pagkakatao­n, binanggit ng prosekusyo­n na shabu ang uri ng drogang ipinapasok umano sa NBP.

Sinabi ni Boni Tacardon na nagkaroon ng kaliwanaga­n sa kaso dahil walang nabanggit ang prosekusyo­n kung anong uri ng droga ang ikinakalak­al umano ng senadora.

Hindi naman napigilan ng senadora na muling magpasarin­g kay Pangulong Duterte matapos ang pagdinig, na aniya ay hindi karapatdap­at na presidente.

Limang araw naman ang ibinigay ng korte kay De Lima para magsumite ng requiremen­ts sa inihaing very urgent motion for furlough, upang ihirit ang pagdalo ng senador sa graduation rites ng kanyang bunsong anak na si Vincent Joshua de Lima.

Kabilang sa ipinasusum­ite ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Amelia Fabros-Corpuz ang final program ng graduation ng anak ni De Lima, itinerary simula ng kanyang pag-alis mula sa Camp Crame hanggang sa makarating sa paaralan, gayundin ang security detail nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines