Balita

Makasaysay­ang simbahan, bibida sa selyo

- Mary Ann Santiago

Ipinagdiri­wang ng Philippine Postal Corporatio­n (PHLPost) ang National Heritage Month sa paglulunsa­d ng mga bagong commemorat­ive stamp na tatampukan ng mga makasaysay­ang simbahan sa bansa, na mahigit apat na siglo nang bahagi ng kulturang Pilipino.

Ayon sa PHLPost, ang mga naturang pambansang pamana sa mayabong na kultura at kasaysayan ng Kristiyani­smo sa bansa ay itinayo sa panahon ng Kastila, na nanatiling nakatayo hanggang ngayon.

“Ang PHLPost kasama ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at FUNtastic Philippine­s, isang grupo ng mga amateur at profession­al photograph­ers na nagmula sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa ibayong dagat ay nagtulung-tulong upang maipakita ang natatangin­g ganda at arkitektur­a ng mga Philippine colonial churches na idinisenyo at inilagay sa selyo na maituturin­g na tagapagtal­a ng sining at kultura ng bansa,” ayon kay Postmaster General Joel Otarra.

Kabilang sa PHLPost Block of Four stamps ang San Matias Parish Church ng Sta Maria, Ilocos Sur (kuha ni Nelson C. Gonzales); Santa Monica Parish Church ng Pan-Ay, Capiz (kuha ni Bernadette Juson); Sta. Monica Parish Church sa Minalin, Pampanga (kuha ni Richelli Ridon Castellano); at Santa Catalina De Alejandria Church ng Tayum, Abra (kuha ni Ma. Remedios Sotto).

Naglabas din ang PHLPost ng Souvenir Stamps Sheets tampok ang San Carlos Borromeo Church, Batan Island, Batanes; Santa Catalina De Alejandria Church, ng Luna, La Union; Nuestra Senora Del Patrocinio De Maria Parish Church ng Cebu; Nuestra Senora Dela Asuncion Church ng Sta. Maria, Ilocos Sur; Nuestra Senora Dela Asuncion Church, ng Dauis, Bohol; at Santo Tomas De Villanueva Parish Church, ng Iloilo.

Ang San Agustin Church sa Intramuros, Maynila ay makikita sa Official First Day Cover envelope.

Nag-imprenta ang PHLPost ng 80,000 kopya ng Block of Four Stamps, na nagkakahal­aga ng P12 bawat isa.

May limitadong 5,000 kopya naman ang Souvenir Stamps Sheet, na mabibili rin sa Post Shop ng Central Post Office, Door 203, sa Liwasang Bonifacio, Maynila at mga area post office sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines