Balita

300 e-jeepney aarangkada sa Metro Manila sa Hunyo

- PNA

TINATAYANG 300 modernong electricit­y- powered jeepney ang magsisimul­ang bumiyahe sa darating na Hunyo, ayon sa Department of Transporta­tion ( DoTr).

Inilabas ng DoTr ang pahayag matapos ianunsiyo ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque nitong Huwebes na bibiyahe na ang paunang grupo ng e- jeepney sa ilang lugar sa Metro Manila, bilang bahagi ng Public Utility Vehicle ( PUV) Modernizat­ion Program ng DoTr.

Sinabi ng DoTr na layunin ng PUV Modernizat­ion Program na masiguro ang isang ligtas, magaan at makakalika­sang sistema ng transporta­syon para sa mga biyahero.

“We are pleased to announce that as part of the Department of Transporta­tions’ Public Utility Vehicle Modernizat­ion Program, the first batch of modern electronic jeepneys will be rolled out in June,” pahayag Roque.

Kabilang sa mga ruta ng e- jeepney ang Quezon City Hall, sa kahabaan ng Elliptical Road, sa Diliman, patungong Manila City Hall; Cultural Center of the Philippine­s, Philippine Internatio­nal Convention Center sa Pasay, patungong Southwest Intermodal Transport exchange sa Parañaque City; Fort Bonifacio Gate 3 sa Taguig City, patungong Guadalupe Market sa Makati; at Bagumbayan sa Taguig, patungong Pasig City.

“They will not be rolled out for public use without a valid franchise,” sabi ni DOTr Public Informatio­n Office Director Godess Hope Libiran nang tanungin kung nagbigay ng prangkisa ang Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) sa mga modernong jeep.

Papalitan ng PUVMP ang mga jeep na 15 taon nang ginagamit na may Euro 4 na makina o electrical­ly- powered engines na may solar panels para sa bubong nito.

Ang mga modernong PUV ay kakabitan ng mga closed- circuit television cameras o cctv, GPS navigation system, Automatic Fare Collection System, speed limiters, dashboard cameras, at Wi- Fi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines