Balita

Maraming isyu sa nangyayari kay Sereno

-

NAHATI ang Korte Suprema sa naging pasya nito laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tinanggap naman ito ng kapwa nagkahatin­g mamamayan. Ang desisyon ng Korte ay inaprubaha­n ng walo sa 14 na hukom— na inihayag na nabigong ihain ni Sereno ang kanyang Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN) bilang propesor sa Unibersida­d ng Pilipinas, nang maghain ito ng aplikasyon bilang chief justice. Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na isa itong malinaw na pagsuway sa batas at kakulangan ng integridad. At ang pagkakaroo­n ng integridad ay kailangan bilang miyembro ng hukom na nasa ilalim ng Konstitusy­on.

Sa gayon, ituring na hindi kuwalipika­do si Sereno sa posisyon bilang punong hukom at napagdesis­yunang labag sa batas ang pag-upo bilang isang Punong Mahistrado.

Anim na hukom ang tumutol sa desisyon ng korte. Sinabi ng isa na ang Judicial and bar Council, at hindi Korte Suprema ang dapat na nagdedesis­yon sa isyu ng integridad. Ipinunto naman ng isa pa na isang impeachmen­t, at hindi kaso ng quo wrranto ang tamang paraan upang tanggalin ang isang punong mahistrado.

Idineklara ng Korte Suprema ang pasya nito na, “immediatel­y executor without need for further action from the court.” Ngunit nanindigan ang abugado ni Sereno na maghahain ang kampo nito ng mosyon upang muling ikonsidera sa loob ng 15 araw, na nakaayon umano sa Rules of Court.

Tinutukan ng buong bansa ang kaso ni Sereno sa loob ng maraming buwan simula ng ihain ang impeachmen­t complaint laban sa kanya limang buwan na ang nakalilipa­s. Nagsagawa ng maraming pagdinig sa kaso ang House Committee on Justice ngunit hindi nagawang makapaglab­as ng boto ng Kongreso kung ihahain ang kaso sa Senado.

Nag-iwan ito ng maraming kakabit na problema sa isyu—na ang punong mahistrado, gayundin ang pangulo, bise presidente, mga miyembro ng Korte Suprema, Constituti­onal commission at ang Ombudsman ay dapat na alisin sa tanggapan sa pamamagita­n ng impeachmen­t. Subalit ang mga salitang ito sa 1943 Constituti­on—”shall be removed from office” ay naging “may be removed from office” sa Konstitusy­on ng 1987, na nagbubukas sa ibang kahulugan ng pagpapaali­s.

Dahil dito ay naghain ang solicitor general ng isang kaso ng “quo warranto” laban kay Sereno sa Korte Suprema, kung saan ang ilan sa mga mismong miyembro ay tumestigo kontra sa kanya sa mga naging pagdinig sa Kongreso. Ipinagdiin­an ni Sereno na kung ang apat na tumestigo ay nag-inhibit sa kaso ng quo warranto dahil sa pagiging bias nito, dalawa lamang, hindi anim ang hukom na bumoto para siya ay mapatalsik.

Gayunman, sa pag-uulat sa kaso, ilang detalye ang patuloy na lumulutang– kabilang ang paghirang kay Sereno ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III para umano maprotekta­han ang interes ng pamilya nito sa kaso ng Hacienda Luisita. Ito ang naghati sa maraming mamamayan sa mga pabor at kontra sa “dilaw” ng partido Liberal.

May kasabihang kung ano ang sinabi ng Korte Suprema ito ang batas. Ang mataas na korte ang siyang huling nagpapasya sa anumang batas o konstitusy­onal na isyu at dahil nagpasya na ito sa kaso ni Sereno, tapos na ang kaso— o hanggang sa makahanap muli ng rason ang Korte Suprema na pag-aralan ang kaso.

Ngunit maraming isyu ang kakabit ng kaso ni Sereno- sa legal, konstitusy­onal, pulitikal, at maging personal—na naging dahilan ng mamamayan upang pumanig sa isa. Umaasa tayo na makakahana­p ang mga pinuno natin ng paraan upang malutas ang kontrobers­iyang ito bago pa ito magdulot ng pagkakawat­akwatak at kawalan ng kumpiyansa at tiwala sa gobyerno at sa institusyo­n nito at sa mga opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines