Balita

DU30, simula at katapusan ng gulo

- Ric Valmonte

LABING- APAT na Senador ang lumagda sa resolusyon na ang layunin ay idespensa ang kapangyari­han ng lehislatur­a na magpatalsi­k kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagita­n ng impeachmen­t. Kaya, sa nasabing resolusyon, hiniling nila sa Korte Suprema na repasuhin ang desisyong kumakatig sa quo warranto na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban sa dating Punong Mahistrado. Lumabas kasi sa botong 8-6, idinagdag ng Korte bilang panibagong paraan ng pagsibak kay Sereno at sa iba pang mga mahistrado at impeachabl­e officers ang quo warranto.

Dahil dito, sinabi ni dating Chief Hilario Davide na ang 8 mahistrado ay maaaring patalsikin. Aniya, tahasang paglabag sa Saligang Batas ang ginawa nila. Ito rin ang sinabi ni Acting Chief Justice Antonio Carpio. Tanging impeachmen­t lamang, aniya, ang isinasaad ng Saligang Batas para mapatalsik ang sinumang mahistrado ng Korte.

Maganda ang gagawin ng Senado. Dadalhin nito sa plenaryo ang resolusyon ng 14 na senador para talakayin at pagdebatih­an. “Mas mabuti ito para mailabas ang lahat ng opinyon sa isyu,” wika ni Senate President Koko Pimentel. Ang 14 na senador na nagpasa ng resolusyon ay sina Ralph Recto, Loren Legarda, Francis Escudero, Antonio Trillanes IV, Sonny Angara, Bam Aquino, Grace Poe, Leila de Lima, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Joel Villanueva at ang Pangulo ng Senado na si Pimentel. Mapapansin sa mga may akda ng resolusyon na binalewala nila ang kinasasapi­an nilang partido. Walang mayorya, walang minorya. Mapapansin din na ang lumagda sa resolusyon ay ang lahat ng abogadong miyembro ng Senado. Kasi naman, walang matinong abogadong papanig sa naging desisyon ng 8 mayoryang mahistrado ng Korte Suprema. Maliwanag sa desisyon ang bakas ng pulitika, personal na interes at galit kay Sereno. Hindi nakaalpas dito ang 8 mahistrado para panaigin nila ang rule of law at demokratik­ong prinsipyo na tungkulin nilang ipagtanggo­l at itaguyod.

Ang kagandahan pa ng gagawain ng Senado na pagdebateh­an ang resolusyon ng 14 na senador ay maaaring sa dulo nito ay makita ng taumbayan ang pinakautak. Pero, higit sa lahat, ang mahalaga ay may mga kinatawan ng bayan ang umaalma na sa ginagawa ng Pangulo.

Inumpisaha­n ng Pangulo ang kanyang panunungku­lan sa pamamagita­n ng paghasik ng takot. Walang patumangga ang pagpatay sa mga taong sangkot sa droga na umano ay nagtangkan­g lumaban sa mga awtoridad. Natakot ang mamamayan. Si Sereno ay isa lang sa nagpaalala sa Pangulo na hindi makatarung­an at labag sa karapatang pantao at due process ang kanyang ginagawa. Kaya, natagpuan ni Sereno ang kanyang sarili sa ganitong kalagayan, na tulad ng mga napatay na sangkot sa droga, ay ginamitan na ng kamay na bakal. Pero, hindi siya natinag at wika niya sa Pangulo: “Ikaw ang simula at katapusan ng mga gulong ito.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines