Balita

Sylvia, sa Hong Kong Disneyland ang birthday celebratio­n

- Ni REGGEE BONOAN

NGAYON ang kaarawan ni Sylvia Sanchez na ipagdiriwa­ng niya sa Hong Kong Disneyland kasama ang mga mahal sa buhay minus Ria at Gela Atayde na may mga prior commitment­s.

“Forty- seven ( 47) years old na ako, gusto ko namang maramdaman­g maging bata ulit, ha-ha-ha! Sasakay ako sa rides sa Disneyland at doon na rin kami magdidinne­r,” masayang sabi sa amin ni Sylvia nang makatsikah­an namin nitong Huwebes ng madaling araw.

Tinukso namin ang aktres na jetsetter na siya, dahil kararating lang niya mula Japan (doon naman siya nagcelebra­te ng Mother’s Day) pero umalis ulit kaninang madaling araw patungong Hong Kong para sa Search for Bb. San Juan at Ginoong Makisig Hong Kong 2018 kasama sina Matt Evans at Arjo Atayde na kasama niya as endorsers ng Beautederm. Bakit hindi kasama sina Ria at Gela? “Si Ria may taping ng Wansapanat­aym at si Gela may rehearsal, di ba, lalaban ulit ‘yung school nila sa hip-hop competitio­n sa ibang bansa kaya hayun panay ang rehearsals.”

Kaliwa’t kanan naman ang shooting ni Arjo sa mga pelikulang sabay-sabay na ginagawa, pero matagal na niyang ipinaalam ang pagpunta aa Hong Kong para sa Beautederm event, kaya nagkasama silang mag-ina.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Ibyang ang tungkol sa bunso niyang si Xavi, “Sabi sa akin, ‘I don’t want to go to Hong Kong na, I’m so tired travelling. I want to rest.’

Sabi ko, ‘Okay, you stay na lang here, don’t come with me to spend may birthday in Disneyland.’

“Tapos nu’ng natulog ako ginising ako, sabi niya, “Mom, I want to go with you in Hong Kong, I want to be with you on your birthday, I love you mom.

“O, di sumama rin. Ganyan lang si Xavi ‘wag mo kokontrahi­n ang gusto dahil kapag kinontra mo, mag-aaway kayo, kaya dedma, kita mo susuko rin,” masayang tinig ng aktres sa kabilang linya.

Hindi na nakukumple­to kung minsan ang mga anak ni Sylvia sa mga event dahil, “Malalaki na sila, Reggee, may kanyakanya na silang buhay. Kaya si Xavi habang bata pa, nilulubos ko nang makasama siya. Baka bukas o sa susunod na taon, busy na rin,” sabi ng aktres.

Ang wish ni Sylvia para sa 47th birthday niya ay, “Good health para asawa’t mga anak ko, good health sa mga mama ko, mga kapatid at pamangkin ko, lahat ng mahal ko sa buhay mga kaibigan ko na mula noon hanggang ngayon kasama ko sila at mga kasama ko sa bahay na laging nandiyan at siyempre nagpapasal­amat ako sa lahat ng blessings na ibinibigay sa akin ng Diyos at ibibigay pa.”

Lagi sinasabi ng aktres na ang pamilya ang the greatest love niya kaya para sa kanila rin ang lahat ng blessings na natatangga­p niya.

Maligayang kaarawan Sylvia Sanchez mula sa amin dito sa Balita!

 ??  ?? Sylvia
Sylvia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines