Balita

Ricky Davao, may pelikulang ginawa sa Taiwan

- –Nitz Miralles

NAKATAWID na sa ibang bansa ang pagiging aktor ni Ricky Davao, hindi na sa Pilipinas lang kasi siya gumagawa ng pelikula. Habang kausap namin sa presscon ng Inday Will Always Love

You, napag- usapan ang mga ginagawa niyang pelikula na in-alternate niya sa taping ng rom- com series na magsisimul­a na ang airing sa Monday, May 21.

Ipinakita ni Ricky ang pictures niya kasama ang cast ng ginawa niyang pelikula sa Taiwan na Killer Not

Stupid. Ang Singaporea­n director na si Jack Neo ang director ng movie na naging tulay para makasama si Ricky sa cast ng movie.

“Nakilala ko si Jack Teo four years ago sa Asian Internatio­nal Film Festival, pareho kaming jury. Nang malaman niyang actor- director ako from the Philippine­s, he asked me to send him picture, so I sent him my picture. He asked me If I would like to act outside the Philippine­s, I said yes at doon na nagsimula,” kuwento ni Ricky.

One week nag- shoot sa Taichung, Taiwan si Ricky kasama ang actors from Singapore, Taiwan and Hong Kong. Siya lang ang Filipino actor sa movie na ipalalabas sa Chinese New Year sa 2019 at posibleng maipalabas sa Mainland, China. Back home, hindi nawawalan ng projects si Ricky at isa nga itong Inday Will Always Love You na given nang siya ang gaganap na ama ni Barbie Forteza. Nagkasama na silang dalawa sa indie film na Marquina, kaya alam ni Ricky ang kakayahan ni Barbie sa acting at alam niyang magiging successful ang airing ng romcom series, mula sa direction ni Monti Parungao.

 ??  ?? Ricky
Ricky

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines