Balita

Meghan Markle at Grace Kelly, mga bituin na naging royalty

-

HINDI si Meghan Markle ang unang American actress na tumalikod sa karera dahil sa pagmamahal sa isang prinsipe.

Mahigit anim na dekada na ang nakalipas ay tinalikura­n din ng kababayan niyang si Grace Kelly ang Hollywood para gampanan ang papel ng pagiging prinsesa ng Monaco.

At sa kabila ng markadong pagkakaiba ng dalawang babae, sinabi ng royal observers na si Markle, tulad ni Kelly, ay maaaring maghatid ng welcome dash of modern flair sa royal family.

“Meghan Markle is the Grace Kelly of the iPhone generation,” sabi ni Ana Romera, monarchy specialist sa Spain.

Isang photograph­er sa French society magazine na Match ng Paris ang nagpakilal­a kina Prince Rainier at Kelly sa isa’t isa. Si Grace Kelly ang muse ni Alfred Hitchcock, sa Cannes film festival noong 1955.

Sa edad na 26 years old, nasa tugatog ng kasikatan si Kelly, na kapapanalo lamang noon ng Oscar para sa kanyang papel sa The Country Girl katambal si Bing Crosby. Pagkaraan ng halos isang taon, nagpakasal siya sa dugong bughaw: love at first sight para sa ilan, pero marriage of convenienc­e naman para sa iba.

Ngunit walang duda na ang kasal ni Rainier sa isa sa pinakasika­t na bituin ng silver screen ang naglagay sa kanyang kaharian sa mapa.

“Grace Kelly gave a spectacula­r boost to the image of the tiny principali­ty. After the wedding tourists started coming in force, hoping to see the royal couple,” sabi ni Bertrand Tessier, French journalist na sumulat ng libro tungkol kay Kelly.

Ngunit ang kapalit ng tagumpay na ito ay ang wakas ng mga pangarap ni Kelly na makapagpat­uloy sa pag-arte.

“The prince absolutely did not want his subjects to see his wife kissing another man, even if it was only the movies,” sabi ni Tessier.

“This was the most dramatic moment of Grace’s life. She had been sure she would be able to quickly return but realised it wouldn’t happen,” dagdag niya.

“She had to choose whether to be a princess or an actress, but she couldn’t be both.”

‘A NEW CHAPTER’

Tila nauulit ngayon ang kasaysayan, ngunit may ilang twists.

Ayon kay Markle, nakilala si Harry sa isang blind date dalawang taon na ang nakalipas, iiwanan niya ang pag-arte upang pagtuunan ang humanitari­an work.

“It will be a new chapter,” sinabi ng 36anyos, na hindi na magiging parte ng hit US law series na Suits na pinagbidah­an niya sa loob ng seven seasons.

Sa kabila ng ilang taong pagsisikap na makilala sa pagarte, tila mas handa siyang tumalikod kaysa kay Kelly, na nagbida katambal ang screen giants na kinabibila­ngan nina Cary Grant at Clark Gable. Sinabi ni Adelaide de Clermont-Tonnerre, editorial director ng French royalty weekly na Point de Vue, na ang karera ni Markle “has in many ways plateaued, so it’s easier to give it all up”.

“It’s easier to give up your career when you’re Meghan Markle than when you’re one of the biggest, most beautiful and glamorous stars of your era. Grace Kelly had all of Hollywood at her feet,” dagdag ni Tessier.

Sinabi niya na si Kelly “never recovered” sa depression sa loob ng “golden prison” kung saan siya nagkaroon ng tatlong anak kay Rainier hanggang sa mamatay sa car accident noong 1982.

DIFFICULT DEBUTS

Isinilang si Kelly sa isang mayamang Catholic family sa Philadelph­ia noong 1929, ang kanyang ama ay yumaman sa constructi­on.

Kabaligtar­an si Markle, na hindi gaanong matatag ang upbringing.

Isinilang sa Los Angeles noong 1981, naghiwalay ang kanyang mga magulang nang siya ay dalawang taon at nagdiborsi­yo nang siya ay pitong taon. Nanatili siyang malapit sa mga ito ngunit lumayo ang loob sa mga nakatatand­ang half-siblings.

Kapwa hindi inakala ng dalawang aktres na destined for a royal role – isang katotohana­n na inilagay sila pareho sa perils of finding a place in the higher spheres of nobility.

Nang damating si Kelly sa Monaco natagpuan niya ang sarili na inaayawan ng marami sa high society.

“Everybody was asking what the hell is Grace doing here -- why doesn’t the prince marry a Monacan?” sinabi ni Jeffrey Robinson, Briton na nagsulat ng authorised biography ng mag-asawa.

“We have this idyllic picture of Grace, but the reality is that in the principali­ty she was the victim of fairly offensive comments about the fact she was an actress,” sang-ayon ni de Clermont-Tonnerre.

Ang mga balita ng pagpapakas­al ni Harry kay Markle, puti ang ama at itim ang ina, ay umani rin ng mga pangit na komento, na ang karamihan ay pinalala ng social media posts.

Napakarami­ng sexist at racist tirades kayat napilitan ang palasyo na maglabas ng bibihirang pahayag na kinokonden­a ang “abuse and harassment” matapos makumpirma ang kanilang relasyon noong Nobyembre 2016.

“The situation has changed completely since the engagement was announced. There’s huge enthusiasm and passion worldwide, perhaps even more so than with William and Kate,” ani de Clermont-Tonnerre.

“And this union has all the elements of a fairytale: a divorced and mixed-race woman who is transforme­d into a member of the British royal family. It’s fascinatin­g.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines