Balita

George at Charlotte, aabangan din sa Harry-Meghan wedding

-

HINDI lang sina Prince Harry at Meghan Markle ang aabangan sa royal wedding kundi maging sina Prince George at Princess Charlotte , mga anak nina Prince William at Duchess Catherine , b i lang bridesmaid­s at page boys.

Kasama rin sa muchantici­pated event sa Windsor Castle ngayong Sabado ang goddaughte­rs at godson ng couple, at mga anak ng isang matalik na kaibigan ni Meghan.

Sinabi ng opisina ni Harry nitong nakaraang linggo na pawang mga bata ang bridesmaid­s at nagpasya si Meghan na wala nang maid of honor dahil hindi siya makapili sa kanyang mga kaibigan.

Makakasama ni Princess Charlotte, 3, bilang bridesmaid sina Florence van Cutsem, 3, at Zalie Warren, 2, mga inaanak ni Harry; Remi at Rylan Litt, 6 at 7, mga inaanak naman ni Meghan; at Ivy Mulroney, ang 4-year-old daughter ni Jessica Mulroney, na kaibigan ng groom.

Makakasama naman ni Prince George bilang page boy ang mga anak ni Mulroney na sina Brian at John Mulroney, parehong 7, at ang inaanak ni Harry na si Jasper Dyer, 6.

Kung mayroong papel sina George, 4, at Charlotte sa seremonya sa St. George’s Chapel sa Windsor, hindi naman dadalo ang kanilang nakababata­ng kapatd na si Prince Louis, na nitong nakaraang buwan lang isinilang, ayon sa Kensington Palace.

Sina George at Charlotte ay naging page boy at flower girl din sa kasal noong nakaraang taon ni Pippa Middleton, ang kapatid ng kanilang ina, sa financier na si James Matthews.

May kaugnayan din ang bridesmaid na si Florence van Cutsem sa kasal nina William at Catherine. Ang pinsan ni van Cutsem na si Grace, na inaanak ni William, ay bridesmaid sa kanilang seremonya noong 2011.

 ??  ?? George at Charlotte
George at Charlotte

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines